Isang ordinaryong gloomy na babae. Isang campus-crush at soft-spoken na lalaki. Ano kaya ang kahihinatnan ng dalawang introvert na ito?
(a/n: pakiview na lang yung video trailer sa multimedia box)
Chapter I >> ONCE UPON AN ORDINARY LIFE<<
Alex's POV
Lunes na naman. May pasok na naman. Wala nang nagbago sa paulit-ulit na routine ko. Gigising, maliligo, kakain, pupunta sa school, uuwi, homeworks o advanced reading tapos matutulog. Si papa nasa ibang bansa dahil sa trabaho. Si mama naman laging nasa ospital.
Ako si Alexandra Park. Mas ordinaryo pa ako sa isang ordinaryong babae. Hindi ako mahilig manamit o magbihis ng higit pa sa dalawang oras. Gloomy akong tao, dahil nga ang parents ko busy sa trabaho. Kaya madalas akong mag-isa sa bahay at wala akong kausap.
Sarili ko lang kinakausap ko.. Pero joke lang yun.
Kausap ko ang mga libro ko, halaman at alikabok sa bahay namin. Pero syempre joke uli yon. Wala talaga akong kausap. Sige walang natawa sa joke ko.
Hindi naman kasi ako palabiro. Kung may private tutor sa pagjojoke dyan, gusto kong mag-enroll.
Dahil mag-isa lang ako sa bahay ngayon, hindi na ako nag-abalang kumain ng breakfast. Hassle lang naman yun. Magluluto pa ako, tapos maghuhugas ng pinagkainan eh baka malate pa ako niyan. Kaya uminom na lang ako ng gatas. Straight from the gallon. Monday ngayon kaya tinatamad ako.
Papunta na ako sa school nang biglang may kumalabit sa akin.
Lumingon ako at nakita ko ang kababata kong si Nicole. Siya lang yung tanging kaibigan ko na natira kahit na hindi ako palaimik. May isa pa akong kaibigan, si Phillip pero 6 years na mula nang magmigrate sila sa states ng papa niya.
"Hoy Alex, para ka namang kumain ng sandamakmak na problema sa itsura mo. Magsuklay ka naman kaya noh? Umagang umaga busangot ang mukha. Hindi uso ang iisa ang kilay."
"Umagang umaga ang lakas ng boses mo." sagot ko.
Kasi naman, sa pagitan naming dalawa, siya yung bunganga at ako yung tenga. Siya tong palaging nagsasalita, at ako naman yung laging nakikinig.
"Hmp, hindi ka na nasanay sa akin. Huy babae, may chismis ako sa yo. Alam mo bang si Charles Lee, usap-usapang baka daw 'closet-queen'." sagot ni Nicole
Charles Lee, ang lalaking sikat na sikat sa school na kinalolokohan ng lahat ng babae sa school. Maputi siya at matangkad, aakalain mong supermodel. Ang sabi-sabi, siya na raw siguro ang pinakacool at pinakagwapong studyante mula pa noong itinayo ang school.
Isang exaggeration lang, ito lagi ang iniisip ko sa tuwing siya ang usap-usapan sa classroom. Pero ang nakakatawa sa mga babae sa school, napapansin ang bawat kilos niya. Kung may bago siyang damit, hahalungkatin nila kung anong brand tapos bibilhin. Maski nga kung anong brand yung ballpen niya alam na alam ng mga babae eh. Size ng brief niya na lang yata ang hindi nila alam. Hindi ko ba alam kung bakit andaming nahuhumaling sa kanya.
Marahil nga nasa kanya na ang lahat. Pero ni minsan wala pa siyang naging girlfriend. Marami ang nagcla-claim na nakadate nila si Charles, pero gaya ng nakaraang mga chismis, wala itong katotohanan. Syempre imbento lang naman ng mga babaeng nagpapantasya sa kanya. Napakareserved kasi niya at may pagkasuplado. Feeling niya siguro ang cool cool niya at feel na feel niya siguro yung atensyong nakukuha niya.
Ngayon naman chismis na baka 'closet-queen' siya. Closet-queen, silahis, bakla.
"Kung sino man ang nagkakalat ng chismis na yon siguro hindi pinansin ni Charles. Siguro pinagsupladohan ni Charles kaya nahurt ang lola niya at nagkakalat ng kung anu-ano. Chugpesin ko pa bunganga nun tapos lalagarihin ko isa-isa yung bawat ngipin niya, at huli eh kuryentehin ang gilagid niya." patuloy pa lang nagsasalita itong si Nicole.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...