Chapter 35 I'll Go Crazy If I Can't Get Next to You

107 1 0
                                    

Chapter XXXV    >>I'll Go Crazy If I Can't Get Next to You<<

Charles’ POV

 

Sana napuwing na lang ako. Sana nagkaroon na lang ako ng black eye. Mas kayak o pang indahin yun kesa sa makita si Alex at Phillip na magkasamang nagtatawanan.

Lalo lang nakakababa ng self-esteem. Hindi ko kaya ang ginagawa ni Phillip, hindi ko kayang patawanin o kahit man lang pangitiin si Alex nang walang kahirap hirap. Idagdag pa ang ilang taon na magkakilala sila. Saklap lang. Pengeng tali at magbibigti ako.

Kainis.

Nagsimula na ang quiz bee. May tatlong rounds ang quiz bee, easy round, average, at difficult. Ang mga questions nila ay galing sa random subjects, minsan may Math, minsan nama’y English, tapos biglang pupunta sa Science, at iba pa. May isang minuto sila para sagutin ang bawat tanong. Para raw magkaroon ng oras para magdiskusyon ang mga kasali.

Pero napansin kong hindi na masyadong nag-uusap sila Alex at Phillip. Isang eye contact lang nila nagkakaintindihan na. Iba talaga ang mga matatalino. Para silang nagtetelepathy lang. Walang kahirap hirap na nalampasan nina Alex at Phillip ang easy round. Easy round daw pero ni isa sa mga tanong eh hindi ko man lang alam sagutin.

Pagkatapos ng easy round, may kaunting break na ibinigay ang mga MC ng quiz bee. Para raw sa mga contestants na kailangang mag CR o uminom ng tubig. Habang break ay ipinapalabas naman sa malaking projector screen ang mga music video entries ng iba’t ibang schools. Magmula noong last day of shooting eh hindi ko pa napapanood yung resulta ng pag-eedit ni Matt.

“Over sila sa lighting.  Sa harap lang maliwanag, hindi man lang nila napansing dim sa bandang sides.” Komento ni Matt habang pinapanood namin yung nakaplay na music video.

“Saka may sharps and flats yung singer.” Komento rin ni Nicole.

“Hala, si Charles ang kausap ko bakit may halimaw na sumagot? Nagluto ka ba ng sinigang paps? Para kasing may sumasahog sa usapan na mukhang hipon.” Sabi ni Matt na sinadyang patamaan si Nicole.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon