Chapter 43 More Than Words

75 1 0
                                    

Chapter 43    >>More Than Words<<



Alex's POV

 

 

Mababaliw na ako. Alam kong hindi ko dapat sisihin si Phillip o kahit na si Charles sa mga nangyayari sa akin ngayon. Pero kung tutuusin naman kasi, nagsimula ang lahat nang dahil din sa kanilang dalawa. Tahimik lang ako, pero biglang gumulo ang mundo ko nang dahil sa kanila.





Kaya ngayon, yung mga taong may gusto sa kanila, inaaway ako.





Kaya ngayon, nagiging irrational na yata ako.






Alam ko namang hindi tama na sumbatan ko si Phillip dahil sa nangyari kanina, hindi rin naman niya ginusto yun. Pero kahit siguro magkunwari akong galit na sa kanya, hindi ko pa rin tuluyang magawang magalit. Nagagawa pa rin niya akong patawanin.





Ano pa nga bang magagawa ko, kaibigan ko siya. Hindi nga lang ako komportable na isiping may gusto siya sa akin.






Pagkatapos ng recess ay nagsimula muli ang klase namin. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako makapagconcentrate sa klase.  Tinatraydor ako ng utak ko ngayon sa sobrang daming iniisip ko. Una sa lahat, ayoko na sanang lumaki pa ang gulong ito. Sinabihan ko na sina Charles at Phillip na wala sa isip ko ang pumasok sa relasyon, pero nagpumilit silang pareho na kahit ireject ko sila, gagawin pa rin nila ang gusto nila. Pangalawa, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa. Sa ngayon, wala akong gusto sa kahit kanino sa kanila kaya sa tingin ko hindi ko kailangang pumili. At pangatlo, puyat ako at hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi ko.






Mabuti na lang at nag-group activity kami ngayon, kung hindi baka hindi ako makasurvive at mapagalitan pa ako ng teacher. Bahala na ang groupmates ko, sa ngayon kasi wala akong maitutulong sa kanila sa sobrang antok ko. Nakikinig na lang ako sa kung anumang usapan nila kahit wala naman talaga akong maintindihan.




Pagdating ng lunch break, hindi ko maramdaman ang gutom ko dahil ang unang pumasok sa isip ko pagkaring ng bell ay ang matulog. Kaya hindi pa man lumalabas ang ibang kaklase ko eh pinatong ko na ang ulo ko sa desk ko at tinakpan ko na ang buong mukha ko.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon