Chapter 45 Written in the Stars

64 0 0
                                    

Chapter 45     >>Written in the Stars<<

Alex’s POV

Sa ganitong sitwasyon, dapat hindi ako komportable eh. Alam kong dapat hindi ako ganito kakomportable. Pero bakit ngayon nagagawa ko nang hawakan sa mukha si Phillip? At pinunasan ko pa talaga yung dumikit na marshmallow sa bibig niya.

Nababaliw na ba ako? Everything seems so surreal. Parang hindi na ako ‘to.

“Anong iniisip mo?” tanong ni Phillip. Nakaupo pa rin kami sa harap ng campfire. At nagluluto pa rin siya ng marshmallows para sa smores niya.

“Wala.” Sagot ko.

“Eh bakit nakatitig ka sa apoy? Alangan namang nahihiwagaan ka sa apoy?” sagot naman ni Phillip.

“Basta.” Bumalik ulit ako sa pagtitig ko sa apoy habang si Phillip naman eh inilalagay yung lutong marshmallows sa ibabaw ng chocolate at cracker.

Wala sa amin ang nagsalita sa loob ng ilang minuto. Kumbaga nagkanya-kanyang mundo muna kami ni Phillip habang nakaupo sa harap ng campfire, sa ilalim ng gabi, habang natutulog sina mama at ang ibang campers dito. May mga ilang campers malapit sa amin ang nagpapahangin din gaya namin, may mga iba namang naglatag ng banig at doon humiga para matulog. Paniguradong mababasa sila ng hamog mamayang madaling araw kapag hindi sila sa loob ng tent natulog.

Bigla na lang naghum si Phillip ng isang kantang ngayon ko lang napakinggan. Hindi naman kasi talaga ako nakikinig sa mga kanta, maliban na lang noong binigay sa akin ni Charles yung headphones niya at iTouch. Naalala ko na naman si Charles. May kakaiba na naman akong nararamdaman.

Ang lakas ng tibok ng puso ko kapag naaalala ko siya. Hindi kaya may sakit na ako? Nagkaenlargement of the heart na kaya ako? O baka naman may hypertension na ako at baka nahahigh blood ako? Kumbaga kapag naaalala ko si Charles, parang naaalala ko rin yung mga kantang naririnig ko kapag ginagamit ko yung headphones niya.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon