Chapter 62 >>Decoded<<
CHARLES'S POV
"Ano ba yang mukha mo paps busangot na busangot. Malapit na magkapalit yang left and right eyebrow mo. Alam mo namang hindi maganda yun." Sabi ni Matt sabay upo sa likod ko.
"Nakakainis lang kasi." Sagot ko.
"Ang alin? Eh maayos naman ang birthday mo nung Sabado eh." Sagot naman niya.
"Pano naman kasi may binigay si Alex na letter sa akin. Eh kaso ang prob..."
"SI ALEX MAY BINIGAY NA LETTER SAYO? WEH? IMAGINE PA MORE PAPS!" lang hiya hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko sumasabat na ka agad ng pambabara.
"Buset, patapusin mo nga muna ako bago ka magreact diyan." Sagot ko. Nanahimik naman agad siya at nagtaas pa ng dalawang kamay na parang sumusuko.
"Nung birthday ko, habang naglalaro kayo ni Nicole lumabas kami ni Alex para mag-usap. Tapos tinanong ko siya kung kelan niya ako balak sagutin o kung may pag-asa ba ako. Bilang sagot binigyan niya ako ng letter." Kwento ko.
"Oh tapos anong nakasulat? Wait, hulaan ko. Basted ka noh? Sa itsura mo para ka ngang nabasted." Sagot ni Matt.
"Hindi ko nga alam kung basted ba ako o sinagot na ako ni Alex eh." Sagot ko.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Matt.
Pinakita ko sa kanya yung papel na binigay ni Alex noon. Agad naman niya yung binuklat at tinitigan ng maigi.
"Pinagtitripan ka lang yata ni Alex eh. Puro letters lang naman yan. Nakulitan siguro sa tanong mo kaya ayan. In short, basted ka." Sagot ni Matt.
Grabe naman to kung makatawag sa akin na basted. Wala namang nakasulat dun na nabasted nga ako. Pero pano kung pinagtripan lang nga ako ni Alex para di ko na siya kulitin? Pano kung pinaglaruan lang pala niya ako? Hindi naman siguro. Hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. Pero gaano ko na nga ba siya kakilala? Hindi naman kasing tagal ng pagkakakilala nila ni Phillip eh.
"Ang sabi eh code daw yan. Kung madedecode ko raw yan, isulat ko sa likod ng papel at ibabalik ko sa kanya." Sagot ko. Kahit na nag-aalinlangan ako kung code ba talaga ang nakasulat o talagang puro letters lang siya at walang kabuluhan.
"Nakow! Mahirap to. Mas mahirap pa yata to kesa sa Math eh. Buti pa sa Math inaantok ka. Dito eh parang sasakit pa yata ang ulo mo at magkakainsomnia ka kakaisip kung ano yan." –Matt
"Sa totoo lang nahirapan nga talaga ako makatulog simula nung Sabado. Nakalimutan ko pa ngang bigyan ng sterilized milk si Alex kaninang umaga."
Napabuntong hininga ako. Ano na ang gagawin ko? Ang hirap naman eh. Humingi kaya ako ng clue sa kanya? Kaya lang nakakahiya, ako na nga tong nagtanong at nangulit. Eh si Nicole kaya? Alam niya kaya ang sagot?
Hindi tuloy ako nakapagconcentrate sa buong klase. Mabuti na lang at may classmate kaming nagrereport at nakaupo lang sa gilid si ma'am. May pinasa namang handouts kaya babasahin ko na lang to mamayang gabi. Hindi kasi ako makaconcentrate dahil sa code na to eh.
Nang matapos ang klase, pinuntahan namin ni Matt sina Alex sa classroom nila. Si multo ayun nakabenda pa rin yung paa pero din a kailangan ng saklay. Naiaapak na niya yung paa niya pero mabagal pa rin maglakad. Sana pati sa panliligaw at diskarte mabagal din siya.
Naging habit na namin ang kumain ng lunch na magkakasama. Labag man sa loob kong makasalo yung Phillip na yun, ineendure ko pa rin. Kahit nakakainis dahil lagi niya binibilan ng lunch si Alex at pinagsisilbihan. Pasikat masyado. Di tuloy ako makasingit.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...