Chapter 47 I'll Go Wherever You Will Go

65 2 0
                                    

Chapter 47  >>I’ll Go Wherever You Will Go<<

Charles’ POV

 

 

May nasabi ba akong mali? Bakit biglang umalis si Alex? Kanina pa kakaiba ang kinikilos niya. Baka may nagawa akong hindi niya nagustuhan, o baka may nasabi akong hindi maganda.

Flashback…

 

 

 

Pagkatapos sabihin ni coach ang balitang naaksidente yung representative namin sa Butterfly stroke at ako yung papalit, pinuntahan namin ni Matt sina Alex. Sakto namang nakaupo sila sa isang bench malapit sa hagdan.

Nakita kong nagbabasa si Alex ng libro…na naman…kaya tinanong ko kung ano yung binabasa niya. Sa itsura kasi ng libro niya mukhang bagong bili lang. Sinagot naman niya ang tanong ko kaya naisipan kong isearch sa phone ko yung librong binabasa niya.  Sakto namang may ipapublish na sequel ang librong yun pero sa December pa.  Kaya nilagyan ko ng memo yung calendar ko para maalala ko, at para mabili ko yung copy ng sequel at para may maibigay ako kay Alex.

Pagkatapos nun, dahil napansin kong kakaiba siyang sumagot at halatang tensed siya, nasabi kong ang cute niya. Hindi naman niya narinig, pero yun kaya ang dahilan kung bakit umalis siya ng canteen?

O baka naman dahil hindi niya nagustuhan yung binili kong pagkain para sa kanya?

End of flashback…

 

 

“Huy, anong nangyari kay Alex?” tanong ni Matt.

“Alam ko kung bakit. Dahil kay Charles.” Sagot ni Nicole na may kasamang ngiting nanunukso.

“Hala ka paps, pinaiyak mo si Alex. Lagot ka, isusumbong ka nun kay Phillip tapos maiinis sayo si Alex tapos magiging silang dalawa tapos maiiwan kang luhaan at durog ang puso tapos matatakot kang umibig ulit tapos masasayang ang guapito face mo dahil tatanda kang binata.” Pangangantiaw naman ni Matt. Pangangantiaw ba o pananakot?

Nag-high five pa sila ni Nicole na parang nagkakaintindihan sila sa kauna-unahang pagkakataon at nagtawanan pa. Ako yata ang iiyak kapag tinodo na nila ang panunukso sa akin. Kaya sinundan ko si Alex para mapalayo ako sa mga bully naming kaibigan. At dahil umepekto ang pananakot ni Matt sa akin na baka tumanda akong binata. Pero mas natakot ako dun sa sinabi nyang baka magalit sa akin si Alex at maging sila ni Phillip. There’s power in words, sabi nga nila. Baka magdilang anghel pa tong si Matt kahit mukha siyang Diablo. Mahirap na.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon