Chapter 53 >>Let The Battle Begin<<
PHILLIP'S POV
Ang init init ng panahon, and we were all bored. Si Alex busy sa pagbabasa ng libro niya, and Matt and Nicole are busy bickering like usual again. Nakaupo lang kami sa may grass malapit sa theater building ng hosting school.
Dahil may pinapatugtog na music ang DJ's booth, tumayo ako at inenjoy ko na lang ang music. I let myself dance to the beat.
"Ayos ang trip natin Phillip ah." Komento ni Matt.
"I'm bored eh. I have to do something to beat the heat and the boredom before I go nuts." Sagot ko.
"Eh pano mo malalabanan ang init kung sasayaw ka?" tanong ni Nicole.
"Boredom is stronger than the heat eh. Kaya sasayaw na lang ako. It's fun." Sagot ko sabay sumayaw na parang sayaw ng mga matatanda.
They all laughed and told me to stop kasi daw nakakatawa. I don't mind if it's funny. I'll dance however I like.
"You're hilarious. Pinagtitinginan ka na ng iba oh. Tama na yan, umupo ka na." Sabi ni Alex sabay hila sa pantalon ko.
"Wish granted." Sagot ko sabay upo sa tabi niya at ngumiti.
We had lunch outside the campus. Ang dami kasing tao sa cafeteria ng school eh, kaya natakot si Nicole na baka maubusan siya ng ulam. Kami ni Matt ang nag-order samantalang sina Nicole ang naghanap ng table.
Dahil nauna ako sa pila, nauna na rin ako papunta kina Alex. Before I gave the spaghetti to Alex, hinalo ko muna yung sauce. I have to serve my princess eh.
"May kamay ako Fi. Kaya ko naman gawin yan eh." Sabi ni Alex habang hinahalo ko pa yung sauce.
"I have hands too Alex, kaya ko rin namang gawin to. Hindi lang ikaw ang may kamay. I have two hands, the left and the right." Sagot ko.
I told you before, right? I have to serve my princess.
"Sabi ko nga, kaya akin na yan at ako na maghahalo." Sagot ni Alex sabay kuha ng spaghetti pero tapos ko nang ihalo yung sauce.
Sakto namang dumating si Matt dala ang pagkain nila ni Nicole.
"Ihalo mo nga rin yung sauce nung akin." Sabi ni Nicole.
"Ano ka hilo? May kamay na nga, ang tamad tamad naman. Pagsusubo na lang ba ng pagkain ang alam mong gawin?" sagot ni Matt sabay abot kay Nicole yung spaghetti niya.
"Tss, hayaan mo na nga lang. Ayoko rin namang madumihan yung pagkain ko, dumi dumi ng kamay mo. Hindi na nga guwapo hindi pa gentleman. Ano na lang silbi mo sa mundo? HMP!" sagot ni Nicole.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...