Chapter 19 Like Fire and Rain

178 2 1
                                    

Chapter XIX      >>Like Fire and Rain<<

Charles' POV

Thursday na. Hindi ko pa rin alam kung ano na ang oras ng pag-alis ni Alex sa bahay nila tuwing umaga. Ok ako na ang stalker. Pero I just want to see her more and more. Since hindi ko siya classmate at tuwing recess at lunch ko lang siya nakikita, gusto ko hanggang sa pag-uwi at pagpunta niya ng school nakikita ko siya. Kahit wala nang usap-usap, kuntento na ako.

Nakakabagot tuloy pumasok, hindi ko man lang nakita si Alex bago magsimula ang 1st period. Nang biglang may kinausap si Miss Torres na adviser namin sa may pinto, kinausap ako ni Matt.

"Ihahatid mo ba ulit siya ngayon?" bulong ni Matt.

"Mm." sagot ko.

"Ano napag-usapan niyo?" tanong niya ulit sabay sulyap sa teacher naming busy sa kausap na ibang teacher.

"Favorite color niya." sagot ko sabay ngiti.

"Ha? Ang baduy mo naman yuck! Favortie color? Elementary lang?"

"At least may development, may alam na ako tungkol sa kanya."

"Aba at proud ka pa sa lagay na yan. Ayos yang development niyo ah, ang kuuuuupad. Keep it up." sarkastikong sabi ni Matt.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon