Chapter 8 The Touch of Your Hand

222 1 2
                                    

Make sure to look at the multimedia for Alex or Charles' pictures. :)

Note:

Names of people, events or establishments used in this story are part of my imagination. Fiction lang po ito. No offense.

--------------------------------------

Chapter VIII                       >>The Touch of Your Hand<<

Alex's POV

|Charles hir. Thnx for the novel suggestion. Good eve.|

Nagtext si Charles sa akin habang nagluluto ako ng hapunan ko. Friday night na kaya tinanggal ko na yung silent mode ng phone ko kaya dinig ko kung may nagtext o may tumawag.

Pero ...

Si Charles Lee? Nagtext?

Eh kilala pa naman yun na very private ang number at hindi basta basta nakikipag-usap sa mga babae. Ang nakakagulat pa, siya 'tong naunang humingi ng number. At siya rin ang naunang nagtext.

|Welcome|  reply ko.

Hindi na siya nagtext ulit. Nakapagtatakang siya pa itong naunang nagtext sa akin eh alam ng buong mundo na ang tulad ni Charles Lee ay hindi nakikipag-usap o kaya nagtetext o basta humihingi ng number na lng.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon