Chapter 5 I Look at You With These Eyes

271 2 3
                                    

Chapter  V                     >>I Look at You With These Eyes<<

 Charles' POV

Ano kaya ang club na sasalihan ni Alex? Sa Friday pa naman ang first meeting ng mga clubs, pero gusto ko sana malaman na kaagad kung saan siya sasali.

1st period namin at nagsusulat na sa board ang adviser namin ng mga list ng clubs.

"Paps, sa Sports club ulit tayo, sa swimming team." bulong ni Matt na nasa harap ko.

Last year kasi sa Sports club kami sumali. Ang Sports club kasi ang pinakamalaking club sa school. Hinahandle kasi ng Sports Coordinator ang buong club, sakop na kasi ng club ang lahat ng teams gaya ng basketball, baseball, swimming, high-jump, track and field, lawn tennis, at iba pa. May mga kanya-kanyang coach kada team siyempre, at ang Sports Coordinator ang siyang pinakahead nila.

Kung sa swimming team ulit ako, paniguradong hindi kami magkikita ni Alex. Kung dalawang club kaya ang salihan ko? Pero anong club ang sasalihan ni Alex? Tsaka kaya ko bang pagsabayin ang dalawa?

"Sa Friday ang first meeting niyo with your chosen clubs, submit your application forms to me and to the moderators of your chosen clubs before Friday. Understood?" sabi ng adviser namin.

Pagkatapos ng morning announcements ay nagklase na kami. I am half-listening sa teacher habang iniisip ko ang mga clubs. Buti na lang at hindi ako pinasagot ng teacher ngayon.

Sa 2nd period namin, dahil puro reportorials ang gagawin namin next week, inutusan kami ng teacher na magresearch na lang at magready sa mga reports. Kaya naman nagkunwari akong pupunta sa library to gather resources, kahit na ginawa ko na kahapon.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon