Chapter 58 That Overwhelming Feeling
ALEX'S POV
Lumipas na ang ilang araw, pero ganun pa rin ang takbo ng pangyayari sa Spring Forest High. Umaga, tanghali, o maging oras ng uwian ay nagsisigawan yung mga babaeng mukhang hipon at nakabuntot palagi kay Charles.
Sa tuwing kakain kami ng recess o maging lunch dagsaan yung mga binibigay nilang regalo kay Charles. Hindi na nga kami makakain nang maayos. Lalo na kay Charles na halos hindi makasubo.
Nagsisimula na akong mainis ng todo sa mga babaeng ito.
Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain ng recess. Dahil sa hindi kami makalapit nang maayos sa nagtitinda eh nagbaon na lang kami ng sarili naming pagkain. Nag-ambag ambag na lang kami at bumili sa convenience store sa labas ng school.
"Umm, Charles?" napalingon kami sa babaeng lumapit kay Charles at may bitbit na paper bag. Isa na naman sa mga hipong nakabuntot kay Charles.
"Heto oh. Napansin ko kasing hindi na kayo bumibili ng pagkain dito sa cafeteria. Kaya pinagluto na lang kita ng mas healthy kesa sa chips niyo. Sana tanggapin mo." Ngiti nung babae. Nagpacute pa. May payuko yuko pang nalalaman.
"Tanggapin mo na Charles, masama ang tumatanggi sa pagkain." Sagot ni Nicole.
Lumingon naman sa amin si Charles at parang wala siyang choice kundi tanggapin yung inaalok nung babae. Nang iabot nung babae yung paper bag eh tinanggap nga ni Charles.
"Salamat." Sabi ni Charles. Paglapag niya nung paper bag sa mesa eh tumayo pa si Nicole para siya na ang maghalungkat ng laman. Nilabas niya yung dalawang lunch box at binuksan parehas.
Yung isang lunchbox eh naglalaman ng spaghetti, yung isang lunch box naman eh may lamang garlic bread.
"Sana magustuhan mo." Sabi na naman nung babae. Umarte pang nahihiya. Nakakaimbyerna ang presensya niya.
Nag-abot si Nicole ng tinidor sa amin na laman ng paper bag tsaka tinikman nila yung binigay nung babae. Sila Nicole lang ang kumain nun. Ayokong tikman yun at yung chips lang ang kinain ko.
Hindi ko alam pero naiinis ako. Basta. Hindi ko rin naman maintindihan yung nararamdaman ko tuwing kasama ko si Charles, ito pa kayang pagkainis ko? Basta naiinis ako, yun na yun. Wala nang tanong tanong.
Sa di ko malamang kadahilanan, napatingin ako sa reaction ni Charles habang tinitikman niya yung bigay nung babae. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at sa sumunod na subo niya eh marami rami na.
Nasarapan ba siya sa luto nung babae? Bakit parang gustong gusto niya yung kinakain niya? Bakit subo siya ng subo? Bakit ganun yung naging reaction niya? Dahil ba sa lasa nung spaghetti o dahil sa hanggang ngayon eh nanonood pa rin yung babaeng nagbigay ng mga ito? Yung lasa ba nung spaghetti yung gusto niya o yung babae?
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...