Chapter 12 A Sudden Glint

212 3 0
                                    

Chapter XII                         >>A Sudden Glint<<

 Alex's POV

Umaga na. Shoot hindi ko man lang namalayang nakatulog ako kagabi. Hindi naman ako yung basta bastang nakakatulog. Pero siguro napagod ako kahapon.

Wait.. Paano ako napunta dito sa sofa? Kaya ba ang himbing ng tulog ko kasi sa sofa ako natulog? Dito ba ako umupo kagabi? Ang alam ko sa sahig ako umupo.

Nakita ko si Charles sa sahig. Nakasandal lang siya sa wall habang nakaupo. Nakastretch naman yung dalawang paa niya tapos napapaligiran kami ng pagkarami-raming libro. Kahit natutulog parang nakaready for photoshoot pa rin. Bakit kaya hindi pumasok ito sa photography and modelling club? Kahit anong pose pangmagazine cover na eh.

Nilingon ko si Nicole sa may chair katabi ng sofa. Ang laki na ng nganga ng bunganga niya. May laway pa sa pisngi at mukhang nalagyan pa yung buhok hanggang sa chair niya. Ibang klase.

Bumangon na ako para naman magprepare ng breakfast. Ang dami pala naming kalat na libro dito. Ganito ba karami yung nagamit namin kagabi? Parang ang OA naman sa dami. Daig pa yung gumagawa ng thesis o research sa dami.

Pumunta ako ng kitchen at nilabas ko na yung mga pangbreakfast namin. Since nandito si Nicole at nandito rin si Charles, nakakahiya namang toasted bread na lang ang ipakain ko. Kaya gagawa ako ng special breakfast. Kahit naman papano eh bisita ko pa rin sila.

Habang nagsisift ako ng flour, pumasok si Charles sa kitchen, nagkakamot ng ulo.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon