Chapter VII >>More Special Than a Sunset<<
Charles' POV
"Pwedeng makuha number mo?" bigla ko na lang natanong kay Alex.
Sa reaction niya halatang nagulat siya. Pati rin sina Matt at Nicole nagulat rin. Lalo naman ako na mismong nagsambit noon eh nagulat.
Minsan na nga lang akong magsalita yun pa ang nasabi ko. Para na tuloy akong gago.
Ano na? Paano ko tatakasan ang sitwasyon ngayon? Pakipindot ang rewind kung pwede. O di kaya pahiram ng time machine. O di kaya pakisubsob na lang ako sa cement mixer nang matabunan ako ng semento at hindi lang ng lupa.
"Paps ..." sabi ni Matt
"Kailangan natin ng communication sa group diba?" palusot ko. May sariling utak na yata ang bibig ko, kung kelan awkward yung sitwasyon eh kung anu-ano ang nasasabi.
"Ahhh. Ahehehehehe. Onga naman noh? Hehehehe." awkward na sagot ni Nicole.
"Sige." sabi ni Alex tapos binigay na yung number niya..
YESSS!!! \o/
Syempre sa aming dalawa ni Matt, alangan namang sa akin lang.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...