Chapter 10 Too Full of Yourself

207 1 0
                                    

Chapter 10                                  >>Too Full of Yourself<<

 Alex's POV

"Una na ako, punta ka na lang sa bahay pagkakuha mo ng gamit mo." sabi ko kay Charles sabay sakay sa taxi.

Hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag na tulongan ang singkamas na iyon. Tapos papapasukin ko pa sa bahay namin. Wala pa kayang nakakapasok na lalake dun. Pero para kasing kailangan talaga niya ng tulong, tsaka kagroup ko namman siya sa club kaya wala na rin siguro akong choice.

Bahala na. Hindi naman magagalit si mama pag nalaman niya. Tsaka mag-oovernight naman siya sa ospital.

Bakit ba ako kinakausap ng Charles na yun? Kung makapagsalita parang FC lang. Hindi kaya ganito lang talaga siya sa mga babaeng dinedate o pinagtitripan niya? Kung ganun man ang sama naman ng taste niya at sa tulad ko pa siya nagkainteres. Huwag mag-assume Alex. Huwag mag-expect. Brace yourself. Don't let your guard down.

Pagdating ko sa bahay, chineck ko muna kung malinis yung bahay. Mukhang malinis pa naman. Naglinis siguro si mama noong minsang umuwi siya. Chineck ko rin yung ref kung may enough bang pagkain in case magutom kami. Kukulangin yata. Kailangan ko pumunta muna sa grocery.

Sa taas ng ref namin may isang bowl na may lamang pera. Emergency supply daw sabi ni mama. Para pag nawalan ako ng pera, doon ako kukuha. Pero dahil nagmamadali ako at hassle pa umakyat para kunin yung pera ko, sa emergency supply na lang ako kumuha ng panggrocery. Tutal nag-uumapaw na rin naman yun.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon