Chapter XXX >>Everything I do, I do it for you<<
Charles’ POV
Parang kailan lang noong kinumbinsi ako ni Alex na sumali sa kalokohan ng school. Este contest ng interhigh. Wala naman akong pakialam dito maski last year eh. Pero dahil tinanong ako ni Alex, umoo na ako agad. Wag na pakipot. Hahaha. Parang panliligaw lang.
Ambisyoso ako. > <
Kaya naman makalipas ang ilang araw, hindi ko masyadong makausap o makita man lang si Alex ko. Sinabi ko bang ko? OO. Kesa naman sabihin kong Alex ni Phillip unggoy. Kaya Alex ko na lang, mas maganda pa pakinggan. Busy kasi siya sa pagpreprepare para iligtas ang mundo. Joke. Busy siya sa pagrereview para sa quiz bee. Kasama si unggoy.
Kaya naman kailangang hindi lang sila ang bida, dapat, kahit hindi ako nakikita ni Alex sa shooting, dapat na gawin ko ang lahat. Malay mo, makarating kay Alex na pinagbubutihan ko ang bawat eksena. Kahit hindi ako marunong sa acting actingan na yan. Pinagwapo ko pa ng husto ang sarili ko. Lagi na rin akong gumagawa ng orasyon sa sarili ko. Ops, hwag green minded, syempre mukha ko ang kailangan, kaya para akong babaeng marami ang pinapahid sa mukha. Mahirap na baka may tumubong pimple habang nasa gitna ako ng shooting.
Nakakabading nga, pero kailangang maging gwapo ako lagi. Para hindi lang maging proud sa akin si Alex kapag naipanalo namin itong multimedia contest, maaattract din si Alex sa kagwapuhan ko. Nagpakulay na rin ako ng buhok, yung reddish para astig.
Si Nicole nga pala ang napili sa lead role sa multimedia contest, di bale siya ang magiging partner ko. Mabuti na rin yun kesa naman sa kung sinong babae pa ang napili, baka magselos si Alex ko. Hyper ko ata ngayon?
Di naman, masaya lang ako kasi kanina, nang binigyan ko ng sterilized milk si Alex sa library, nginitian niya ako at sinabing:
“Good luck sa shooting niyo mamaya.”
Sino pa ang hindi magiging hyper di ba? At tama ang iniisip niyo, araw-araw kong binibigyan ng sterilized milk si Alex. Baka gutumin siya eh, ayoko namang magutom siya. Di bale na si Phillip unggoy ang magutom. Kaya sa tuwing bibigyan ko ng gatas si Alex, lagi lang nakatingin yung unggoy, naiinggit. Hindi ko hahayaang makascore siya kay Alex maski 0.1 man lang.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...