Para ito sa mga readers na may patience magbasa until sa pinakalatest kong update. Maraming salamat.
-----------------------------------------
Chapter XIII >>I've Got the Magic in Me<<
Charles' POV
[Flashback]
It's morning. At pagdilat ko ng mata ko, may naririnig akong kitchen utensils sa kusina. Tiningnan ko yung sala, gising na si Alex. Si Nicole naman tulog pa. Naaalala ko kagabi nung akala ko nagbabasa si Alex. Binuhat ko siya slowly tapos pinahiga ko siya sa sofa. Sa sobrang himbing na ng tulog hindi na niya namalayang binuhat ko siya.
Ang sakit ng puwet ko. Magdamag akong nakaupo sa sahig, feeling ko nga nagflat na. Ang sakit. Nangangawit ang buong katawan ko, pero nakapagtatakang nakatulog ako sa ganung posisyon.
Tumayo na ako. Pagtayo ko, nagdilim yung paningin ko. Alam mo yung feeling na para kang nahilo sa biglaang paggalaw mo. Kaya napapikit na lang ako. Pumunta ako sa kitchen para batiin si Alex ng magandang umaga. Pero sa gulat ko hinipan niya yung harina sa mukha ko. Nakalunok tuloy ako ng harina at napaubo ako. Pati yata butas ng ilong ko nalagyan ng harina.
Narinig kong tumatawa si Alex. Dinilat ko yung mga mata ko at pagkakita ko sa nakatawa niyang mukha, ang priceless lang. Ngumiti rin ako sa kanya para hindi niya isiping napikon ako sa ginawa niya. Nagpatuloy lang siya sa pagtawa. Parang gusto kong i-freeze yung oras. O di kaya picture'an siyang ganun para hindi ko to makalimutan.
Naghilamos na ako at lahat-lahat. Kumain na rin kami ng niluto ni Alex naa chocolate pancakes. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Yung pancakes ni mama yung common na pancake lang na nilalagyan ng maple syrup at butter sa taas. Pero ang pancake ni Alex, kulay chocolate na nga, may chocolate syrup, whipped cream at strawberries pa. SOBRANG SARAP.
Epekto kaya yun ng pagiging mag-isa niya sa bahay? O baka naman epekto yun ng pagiging bookworm niya? Ibang klase kasi ang sarap.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...