Chapter II >>Start of Something New<<
Charles' POV
Ako si Charles Lee. Kilalang kilala ako sa school sa hindi ko maintindihang dahilan. Sabi ng lahat, sikat ako dahil may itsura ako, maporma, matangkad at maputi. Maraming tao ang lumalapit sa akin, pero hindi ako sanay sa ganito kalaking atensyon na nakukuha ko.
Para sa akin, maingay ang ganong buhay.
Kakambal kasi ng paghanga ng maraming tao ang pagiging topic sa usap-usapan. Sa kaunting galaw ko lang, napapansin na agad. Sa bawat gamit na hawakan ko, pinagkakaguluhan. Sa simpleng eye-contact lang, nahuhumaling ang lahat. Hindi naman ako gumagamit ng pabango na marijuana-scented o may halong shabu para ganoon na lang sila mahumaling sa akin.
Hindi lang ako sikat sa mga babae, pero ganon din sa mga lalaki. Dahil lahat na siguro ng mga babae nagkakagusto sa akin kaya naiinis at naiinggit ang mga kapwa ko lalaki sa akin. At ang nakakainis pa, kung mag-usap usap sila, babae man o lalaki, naririnig ko. Kung mag-usap akala mo wala ako. Bubulong nga naririnig ko naman. O sadyang pinapatamaan ako.
Napakaingay ng mundo ko.
Kaya naman hindi ko magawang i-develop ng maayos ang self-esteem ko. Minsan nasasabihan akong suplado, akala mo kung sino, o di kaya'y closet-queen at kung anu-ano pa. Minsan naman halos malaglag na ang tenga ko sa kakarinig ng puri nila. Minsan naman gagawa at gagawa sila ng paraan para makuha ang atensyon ko.
"Umagang umaga magnet ka na naman ng atensyon. Talagang napapalibutan ka ng mga weird na tao." ang laging comment ng tanging kaibigan kong si Matt. Siya lang yata ang nakakatiis at nakakaintindi sa maingay na mundo ko.
Lunes na naman, marami na naman sigurong mata ang lilingon at tititig sa akin. Kaya naman kailangan kong magsuot ng headphones sa tuwing maglalakad ako sa harap ng maraming tao. Ito lang kasi ang only escape ko sa mga usapan at tilian nila.
"Naku, nag eye-contact kami ni Charles, ang saya saya ko!"
"Napakarare ang kagwapuhan niya. Ang cool."
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...