Chapter 36 She's Cute But.....

114 1 0
                                    

Chapter XXXVI    >>She’s Cute But…<<

A/N: Pasensya na kung medyo sabaw lang tong update at wala masyadong nangyari. Pero please lang kung may comment kayo o criticisms, pakisabi naman. Parang awa niyo na. Haha. Gusto ko kasing mapaimprove pa lalo tong istorya kaya magcomment kayo. Magvote na rin at magfollow sa akin. Promise, nagfafollow back ako. Who knows baka basahin ko rin istorya niyo at magvote din diba? Kaya vote, comment, and follow na! <3

 

 PS: Si Matt yung nasa photo. :3

Matt’s POV

 

 

 

Natapos na ang interhigh tournament. Champion ang Spring Forest High sa quiz bee, syempre kasi magagaling naman kasi sina Alex at Phillip. Pero mala slang at third place lang ang video entry namin. Ginalingan ko pa ang pag-edit kaso siguro dahil na rin sa pangit si Nicole kaya kami natalo. HAhahaha!

San ba kami matatalo kundi dahil doon diba? Guwapo ang BeF (Best Friend) kong si Charles, tapos every detail naman ng videos eh inedit ko. Kinailangan ko pang bumili ng computer eye drops para hindi magdry at manakit ang mga mata ko habang nage-edit. Kaso yun talaga eh, third place lang kami.

Ang tanging jackpot lang siguro eh si Charles, mas dumami ang fans at admirers niya. Kung dati eh sa school lang namin siya nakakatanggap ng mga love letters o stalkers, ngayon pati sa ibang school na. Hanep.

Sabado na ngayon, at batong bato ako dito sa bahay. Ang init init pa ng panahon. Gusto ko sana buksan yung aircon ng kwarto ko kaso si ermats naman kasi ang reklamo. Ang mahal daw sa kuryente. Eh sa sobrang init halos gustuhin ko na lang maghubo’t hubad sa loob ng bahay. Pero dahil mistreyo ang hot and sexy body ko, ayokong ipakita ang abs ko maski na kay ermats.

Nakahilata ako sa sahig ng kwarto ko ngayon. Wala naman akong magawa, ayokong humiga sa kama kasi ang init na nga tapos sa kama pa ako hihiga, mas malamig dito sa sahig.

Napatingin ako sa kalendaryong sinabit ni ermats sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Galing yun sa erpats ni Charles, dun sa company nila. Yung tipong ang laki laking kalendaryo, na halos sing laki ng mata ng baka yung mga numbers. Napansin kong malapit na pala ang birthday ni Charles at sa susunod na buwan na. Siguradong may handa na naman si tita. Kami kami lang naman kasi ang kumakain ng handa ni Charles, kaya paniguradong may uwi na naman akong pansit. Haha

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon