Chapter XVIII >>Tongue-Tied<<
Charles' POV
Naihatid ko na rin si Alex. Hindi ko ito first time, kasi everyday ko naman siya hinahatid. Pero yung feeling na official ko siyang hinatid sa bahay nila, yung feeling na makatabi ko siya habang hinahatid pauwi, at yung feeling na aware siyang hinahatid ko siya. Parang naghahalo ang sikmura at puso ko sa sobrang kaba at lakas ng tibok ng dibdib ko.
Hindi ko naman dapat gagawin sana 'to eh. Kasi sobrang nahihiya akong lapitan siya. Pero nang dahil sa pagkukumbinsi sa akin ni Matt, naglakas loob na ako.
Flashback...
"Si Alex yun ah, nasa labas na sila ng school oh. Ihatid mo na kaya siya pauwi." sabi ni Matt sabay tulak sa balikat ko.
"Hindi papunta sa bahay nila yung direksyon nila." sagot ko.
"Eh di sundan mo paps."
"Nahihiya ako. Mahahalata na niyang gusto ko siya."
"Nababakla ka na ba? Lalake ka bro, ang lalake dapat may lakas ng loob sa mga ganyang bagay. Ok, sabihin nating pinaglihi ka sa makahiya kaya sobrang mailap ka sa tao, pero kung hindi ka naman gagalaw, pagsisisihan mo at nagpalunod ka sa pagkamahiyain mo. Para kang bading niyan eh. Para ihahatid lang naman sa bahay kailangan pang sermonan. Hindi ka pa naman aamin kaya ok lang yan." sermon ni Matt. Ang love expert ng bayan.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...