Chapter 64 End

36 1 2
                                    


Chapter 64 >>End<<

ALEX'S POV

I kind of feel sorry for Phillip for not being able to reciprocate his feelings for me. I know he meant well, but it just so happened that I only see him as a friend, and not as a romantic companion.

Nakaupo pa rin kami sa hallway, him beside me reading his notes, probably making himself busy just to ease the pain caused by the truth na si Charles ang gusto ko.

"I'm sorry." Bulong ko.

"Hm?" tanong ni Phillip.

"Sorry kasi hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman mo. Kaya lang minahal kita bilang kaibigan, Fifi, and to be honest, hanggang doon lang talaga ang kaya kong ibigay." Sabi ko.

"Ano ka ba, I said I'm fine. Now stop saying sorry, okay? Just help me not to feel any more self pity than I do now." Sagot niya, smiling bitterly.

"Haaah, I'll just have to explain to dad and tito about the situation. You don't have to feel burdened about them expecting us to be together. It's still your decision though, and as a man, I must respect it. Just promise me we're still gonna be friends." Dagdag niya.

"Syempre naman, ikaw pa rin naman ang Fifi ng buhay ko at pinakauna at huling bestfriend ko na lalake. Walang magbabago sa atin." Sagot ko, feeling relieved that we're having something like a closure.

"Then that's all I need." Sagot ni Phillip. Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at marahang ginulo ang buhok ko.

Yes, we'll never change. I will always love how he messes my hair and how it feels comfortable and refreshing. He'll always be my guy bestfriend and that I can assure that will last a lifetime.

"Let's go back to the others. They might be looking for us now." Sabi ni Phillip sabay tayo at inaya na akong bumalik ng library.

Pagbalik namin doon, nakita ko si Charles na halos mahiga na sa lamesa imbes na magreview. Samantalang si Nicole at Matt naman pasimpleng nag-aaway na naman. Dinig na dinig kasi ang pagpalo ni Nicole sa balikat ni Matt.

Nang makabalik kami sa upuan namin ni Phillip, agad namang bumangon si Charles at tumingin sa akin at kay Phillip. Hindi ko na lang siya muna pinansin para naman magkaroon siya ng oras na magreview.

Gaya ng pagrereview namin ni Phillip noong Quiz Bee, nagsagutan at nagpalitan kami ng tanong kasama sina Matt. Dahil kami na lang naman ang nandito sa library, hindi na namin pinansin kung maingay kami. Natatawa na lang kami pag nagkakamali ng sagot si Matt dahil mali na nga ang sagot niya, pinapalo pa ni Nicole. Tapos minsan magkukunwari siyang alam niyang mali pero sinabi pa rin niya para makapagpatawa lang. Pero kahit naman anong idahilan niya eh napapalo pa rin siya ni Nicole.

Pero ang isang bagay na very alarming eh wala pang tanong ang nasagot ni Charles. Tahimik lang siyang nanonood sa amin. Kapag naman tinatanong siya ng direkta hindi sumasagot. Kumbaga kaming apat nina Nicole eh nagiging competitive na sa pagpapalitan ng tanong at sagot samantalang si Charles eh parang out of place. Hindi ko lang alam kung ako lang ba ang nakakapansin o pati sila Matt.

Nang oras na para sa lunch, as usual kumain kami sa may cafeteria. Nag-order sila Phillip ng lunch namin at kami naman ni Nicole ang siyang naghanap ng mauupuan.

"Alam mo bes mas enjoy magreview ngayon kesa noong wala pa si Phillip at hindi pa natin kaibigan yung dalawang poste na yun." Sabi ni Nicole.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Eh kasi nga nung tayong dalawa lang hindi tayo nagrereview ng ganito. Kanya-kanya tayo. Ang sungit mo nga nun eh. Pero ngayon, ang saya lang, parang mas nagsisink in pa nga yung nirereview natin kasi nagigising yung diwa ko." Sagot ni Nicole.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon