Chapter 59 >>Blessing in Disguise<<
ALEX'S POV
Naninigas na yung pwet ko. Hindi ko na nga maramdaman kung may pwet pa ba ako o wala na. Baka pagtayo ko nito kasing patag na ng aspaltong kalsada ang pwet ko.
Kanina pa kasi kami nakaupo ni Charles dito sa may library. Hindi naman ako makagalaw kasi hawak pa rin niya ang kamay ko.
Buti nga sana kung hawak niya lang. Pero MEGEDNESS NAMAN EH!! Hinahaplos niya ang kamay ko gamit ng isa pang kamay niya!!
Ano bang meron sa kamay ko? Binabasa ba niya ang kapalaran ko? Binabasa niya ba ang kinabukasan ko? Palm reader na ba siya ngayon?
Hindi ko tuloy kung saan ko ibabaling ang focus ko, sa kamay ko bang hawak hawak ni Charles o ang pwet kong namamanhid na.
Pero teka nga lang, kung tutuusin pwede ko namang agawin ang kamay ko, pwede ko naman tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Pero bakit hindi ako nagrereklamo? Bakit parang....
Bakit parang...
Parang....
Parang ineenjoy ko pa 'to??
Ano bang nangyayari sa akin? Nawawala na ba ako sa katinuan?
"Anong iniisip mo?" biglang tanong ni Charles. Napatingin ako sa kanya at hindi ko man lang namalayang ang lapit na ng mukha niya sa akin.
Halos maamoy ko na nga ang hininga niya.
"AY GALILEO!" gulat na sabi ko at medyo lumayo ng konti sa kanya.
"PFFFT!!" pagpipigil niya ng tawa. Baliw.
"Ang cute mo talaga." Dagdag pa ni Charles sabay ngiti.
Bakit ba pagdating kay Charles eh wala akong kalaban laban? Bakit hindi ko man lang magawang sumbatan siya?
Kainis lang. GAAAD!!!
"Nga pala, punta ka sa bahay sa sabado ah. May konting celebration lang. Pakisabi na rin kina Nicole. At kahit labag sa loob ko, isama mo na rin yung multong bansot na nakabuntot sa 'yo." Sabi ni Charles.
Sasagot na sana ako kaso naalala ko yung pakiusap ni Matt na magkunwari kaming hindi makakapunta kaya nagsinungaling na lang ako.
"Sa sabado b-birthday mo? Ano kasi.. May lakad kami nina Phillip. Ano... Pupunta raw kami sa bahay nila. Para raw tingnan k-kung pwede nang lipatan o kung malapit na matapos yung ren-renovation. Oo yun nga." Nauutal kong sagot. Ang hirap kaya magsinungaling habang kinakabahan ka.
"Kayong dalawa lang?" tanong niya.
"H-ha? Ah, hindi ano, kaming tatlo nina Nicole. Kasama rin si papa. Kaya pasensya na kung hindi kami makakarating. Mas nauna kasing nagpasama si Phillip." Sagot ko.
"Pati ba naman sa birthday ko kailangan siya pa rin ang una? Siya na nga unang nakakilala sa 'yo. Siya na nga nauna sa buhay mo pati ba naman sa oras mo siya pa rin ang una?" bulong ni Charles.
Hindi ko man alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa binubulong niyang 'yun, hindi na lang ako sumagot para hindi na humaba ang usapan at para rin hindi na madagdagan ang kasinungalingang lumalabas sa bunganga ko.
Kasi sa totoo lang, ang hirap mag-isip ng palusot habang kinakabahan dahil kahit nag-uusap na kami eh hawak pa rin niya ang kamay ko na malapit nang mabura ang fingerprints ko dahil sa kakahaplos niya.
"Ano.. nagugutom na ako. Tsaka baka hinahanap na ako nina Nicole." Pagdadahilan ko sabay hila ng kamay ko at dali-daling tumayo at naglakad palabas ng library.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...