Chapter 57 Denial Stage

26 2 0
                                    

Chapter 57 Denial Stage

ALEX'S POV

Matapos naming bumili nina papa ng bookshelves kahapon, heto naman ako ngayon at abalang iniisip kung paano na naman ang set up ng kwarto ko dahil sa mga bookshelves na ilalagay namin sa kwarto ko. Kinailangan ko pang pilitin si papa na alisin na lang ang mga karton ng damit pambabae na pinasalubong niya sa akin na hindi ko namin nagagamit.

Maipamigay na nga lang kay Nicole yung iba.

Yung bookshelves na pinili ko para sa akin eh yung wall mounted. Kaya ngayon, pinag-iisipan ko kung saang dingding ko ilalagay yung mga yun.

Nang makapagdesisyon ako kung saan ko ilalagay yung shelves, ikinabit na ni papa yung mga shelves sa wall. Madali lang naman kasi may sarili naman siyang toolbox sa storage room.

Habang abala ako sa paglagay ng mga libro kong ilang buwan nang nakatambak lang sa ibaba ng sidetable ko pati ng study table ko at pati na rin yung mga librong bigay ni Phillip, biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at sumilip si Phillip na may nakasubong toothbrush at mag nagkalat pang toothpaste sa paligid ng bunganga niya.

"She's here." Sabi niya sa kausap niya sa may pinto.

Pumasok si Nicole na may bitbit na supot ng mga chips na paniguradong binili na naman niya sa may convenience store doon sa may intersection.

"Gawa mo 'day?" tanong niya sabay upo sa kama ko.

"Nag-aayos ng gamit." Sagot ko. Oo nga pala, bakit kinailangan pa niyang istorbohin si Phillip eh dati rati naman eh basta na lang siya pumapasok dito?

"Bakit pala nagpaescort ka pa kay Fifi papunta sa kwarto ko eh labas-pasok ka na nga dito sa bahay nakalock man o hindi?" tanong ko.

"Eh sakto namang nasa labas siya kanina ng bahay niyo, naglabas ata ng basura eh nang makita niya akong papasok, bumuntot naman na sa akin. Ewan ko ba dun kung anung trip nun." Sagot ni Nicole na mabilis pa sa alas kwatro nang buksan niya yung isang supot ng potato chips.

Hindi ko na lang siya sinagot at hinayaan na lang siyang lumamon. Pinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko.

"Nga pala, hindi niyo ako sinama kahapon. Kayo ah, nagsosolo flight na kayo. Hindi niyo man lang ako sinabihan."

"Pinagsasabi mo?" tanong ko habang nakatalikod sa kanya.

"Nagtext sa akin yung kapreng mukhang dinosaur na bestfriend ni papa Charles. Sabi eh nanood raw kayo ng movie. Tinatanong kung bakit hindi niyo ako sinama." Sagot niya.

Talagang namiss nga siguro ni Matt si Nicole. May gusto kaya talaga siya kay Nicole? Eh lagi naman silang away ng away kapag nagtatabi. Pero kapag wala ang isa eh hinahanap hanap naman ng isa. Malakas din ang saltik nila sa utak.

"Nagkataon lang na nagkitakita kami sa mall. Pumunta kami nina papa ng home depot kahapon eh dumaan naman kami ni Fifi sa mall pauwi. Doon na lang kami nagkita kita." Paliwanag ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagpapaliwanag sa isang 'to. Eh siya nga tong laging nagpupunta ng bahay kahit weekends. Eh kasalanan niya din kung naiwan man siya kasi hindi siya pumunta dito kahapon.

"Nga pala, this week na birthday ni papa Charles diba? Anong ireregalo mo?" tanong ni Nicole.

Muntik ko nang makalimutan. Sosorpresahin nga pala namin siya gaya ng sabi ni Matt. Pero paano namin siya sosorpresahin kung wala man lang kaming ibibigay? Ano ibibigay ko?

"Ewan. Hindi ko pa alam. Ikaw?" pabalik kong tanong.

"Ibibili ko siya ng isang set ng brief. Yung buy one take 2 sa may kanto o di kaya eh yung 3 for 100 sa bayan. Charot." Sagot ni Nicole.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon