Chapter XVI >>Keep Cool<<
Alex's POV
Pagkaluto ko ng dinner, kumain na ako agad. Nasa study room ngayon si mama, mukhang may case study na naman siya para sa isang pasyente. Dadalhan ko na lang siya ng pagkain. Pinagtimpla ko na rin siya ng gatas niya. Kung kape ang tinimpla ko eh di baka lalong hindi siya makatulog, dapat magpahinga rin si mama.
"Salamat Alex." sabi ni mama nang makitang dala ko yung tray ng pagkain niya.
"Kumain ka na, baka lumamig pa itong pagkain ma. Heto rin po gatas niyo." sabi ko na lang.
"Mmmm." sabi niya pero halatang wala pa siyang time tumayo para kumain. Kaya nilapag ko na lang sa isang table yung tray tapos lumabas na.
Nagpunta na ako sa kwarto ko at binuksan yung libro ko sa history. Wala namang homeworks ngayon kaya maga-advance reading na lang ako. Inopen ko na rin yung laptop para magresearch for additional information tungkol sa next topic namin. Grade-conscious ako eh kaya nagsulat na rin ako ng advanced notes sa notebook ko.
Nang matapos na akong mag-advance reading sa lahat ng subjects ko, tiningnan ko yung time, 9:00 pa lang at maaga pa. Hindi pa naman ako inaantok.
Humiga ako sa kama at napatitig ako sa ceiling. Nagflashback na naman yung sinabi ni Charles. Ano bang naiisip nun at kinausap ako? Niyaya pa ako? At susunduin pa ako?
Magpapatulong na naman ba siyang mag-aral? Well, posible. Malamang ganun nga. Huwag natin bigyang malisya yun Alex. Why would Charles casually ask me out kung hindi related sa school work di ba?
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...