Chapter 38 Similarities

78 1 0
                                    

Chapter XXXVIII   >>Similarities<<

A/N: Pasensya sa mga typo sa previous update. Itatry ko iedit pag may time na ako. Salamat sa mga nagbabasa. MMuuuaahh!!! Fina-follow ko nga pala yung mga nagvovote at naga-add sa reading list nila. Pati na rin yung magcocomment, ifafollow ko rin. Suhol ba? Hinde, gusto ko lang kayong makilala. :D

Charles’ POV

Naglunch si Alex dito sa bahay. Hindi ako makapaniwala, parang hallucination lang na dala ng init ng panahon.

Idagdag pa na nakaayos siya ngayon, gaya noong minsang lumabas kami at namasyal noong kakadating pa lang ni multong Phillip Casper na yun sa Pilipinas.

Magaling din tong si Matt, kung kelan gusto kong makita si Alex saka siya gumawa ng paraan.

Pero bakas sa mukha niya ang totoong ngiti at tawa kapag nagbibiro o nagloloko si Phillip. Sinubukan kong magsearch ng jokes sa internet kagabi pero wala akong nakitang katawa-tawa. Puro mga common na jokes na at ang ilan eh bago nga pero corny naman. Siguro kahit mag-imbento ako ng joke hindi pa rin yun gagana.

Kasi ang pagpapatawa, nasa nagdadala yan. Kung likas na nakakatawa na yung tao, madali na lang sa kanya ang patawanin ang iba. Pero kung sa mga gaya kong laging seryoso at madalang kung magsalita, lahat yata ng biro magiging corny.

Ok, so hindi sa pagjojoke ang charms ko. Pero ano nga ba ang maipagmamalaki ko? Wala akong talent, ni hindi nga ako marunong kumanta, sumayaw, o umarte man lang. Kaya nga kami 3rd placer sa multimedia noong interhigh tournament eh. Sa swimming lang yata ako mahusay, pero paano ko yun ipagmamayabang kung hindi naman ako palaging lumalangoy?

Kung bakit kasi hindi ko man lang namana ang katalinuhan ni daddy sa Math eh. Eh di sana kahit sa Math man lang ako matalino. Para atleast kaya kong makipagsabayan kina Alex at Phillip kapag ganoong may contests sa academics, at para hindi ako nasa Section B ngayon.

“Paps, palit ka nga ng damit, nababading ako sa sexy muscles mo.” Biro ni Matt sabay haplos sa balikat ko. Hinaplos din ako ni Phillip kanina ah.

Ibig bang sabihin nababading din siya sa akin kanina?

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon