Chapter 63 >>Closure<<
ALEX'S POV
Pano niya nahulaan agad yung code? Nakakahiya pala basahin yung sinulat ko. Nakakahiya! Parang ang corny. Pagkakita ko pa lang yung sulat ni Charles sa likod ng papel na binigay ko nandidiri na ako sa sarili ko sa kacornihan. Nanlulukot pa mga daliri ko, ang cheesy ng ginawa ko.
Ramdam ko sa kaibuturan ng mga ugat na nasa ilalim ng balat ko ang pagkacheesy ng ginawa ko. May pacode code pa akong nalalaman. Nakakahiya talaga.
Pero ganun pa man, di ako nagsisisi. Tutal naman darating din ang araw na kailangan ko din namang aminin ang totoo. Alam kong darating din naman ang araw na hindi ko na maitatago ang nararamdaman ko.
Kaya lang ang kapalit ng ginawa ko, heto at nakatitig na naman sa akin si Charles. Nakakaloko lang, nakangiti pa siyang nakatitig. Kung pwede lang sanang lumabo ang peripheral view ko, kaya lang imposibeng mangyari yun.
Kitang kita ko siya, syempre kasi nakaupo siya ngayon sa harap ko at imbes na magreview, sa akin siya nakatitig. Kung bakit pa kasi kailangang magreview kaming lahat dito sa library at sabay sabay pa. Sana di na lang ako sumama. Baka makalimutan ko pa mga napag-aralan ko na dahil sa kakatitig ni Charles.
Buti na lang at kinakausap ako ni Phillip, at least medyo nababaling ang atensyon ko sa kanya at nakakalimutan kong nakatitig sa akin tong si Charles. Nagtatanong si Phillip ng kung anu-ano tungkol sa nirereview niya, at minsan gaya ng pagreview namin noong Quiz Bee eh Q & A ang ginagawa namin.
Nang tumigil kami sa pag-uusap ni Phillip, may pinasang papel si Charles sa akin. Sulat. Kinabahan ako na hindi ko maexplain. Kinabahan ako sa pwede niyang sinulat doon. Hindi ko alam basta ang lakas ng tibok ng puso ko.
[ Ano na yung susunod mong sasabihin? ]
Tanong niya. Agad agad? Nagmamadali ba siya? Bakit parang atat na atat siyang malaman ang nararamdaman ko? Akala ko ba maghihintay siya?
Pero kung iisipin nga naman, ilang buwan na siyang nanliligaw, ang dami nang nangyari, maski naman sino siguro magiging aligaga sa paghihintay ng sagot na gusto nilang marinig. Kaya lang, handa na ba ako?
[ Sabi mo pag nasolve ko na yung code, sasabihin mo na sa akin ang nararamdaman mo. ]
Nagbigay ulit siya ng sulat. Ang kulit na ni Charles. Tumingin ako sa kanya at nakapangalumbaba siya na nakatitig sa akin. Nagpapacute ba siya?
"Aren't you gonna study for exams, Charles?" tanong ni Phillip. Napansin siguro na hindi nagrereview si Charles at hindi nga nakabuklat ang mga libro at notebook na dinala niya.
"Tch." Sagot ni Charles sabay inirapan si Phillip.
Napatingin ako kay Phillip. Nakita kong nainis siya sa naging sagot ni Charles sa kanya. Di makapaniwala na ganon ang naging sagot ni Charles.
"What's with him?" pabulong na tanong sa akin ni Phillip.
Kung tutuusin, mali ang naging sagot ni Charles kay Phillip. Maayos siyang kinausap at concern naman yung tao, tapos ganun ang iaasta niya. Wala namang masama sa naging tanong ni Phillip, maski ako nga gusto kong tanungin yun kay Charles. Ang labas kasi parang mas focused pa siya sa sagot ko kesa sa pag-aaral niya.
At ayokong mangyari yun, ayokong maging hadlang sa pag-aaral niya. Ayokong maging dahilan ng pagbagsak ng grades niya dahil lang sa magiging sagot ko. Makakapaghintay naman ang pakikipagrelasyon pero ang pag-aaral hindi. Lalo pa at bukas na ang periodical exams.
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...