Chapter XXI >>Bad Girl<<
Nicole's POV
Kaloka naman tong bestfriend ko, mukhang na-awkward pa atang ka-date si Charles bukas matapos ng ilang araw na pagpapaligo ko sa kanya para naman gumanda ang skin niya. Niyaya lang ni Phillip lumabas eh pumayag naman agad. Kawawa naman si Charles. Date na sana nila naging abo pa. Kaloooooka talaga.
Pumasok si Phillip sa guest room nina Alex, maga-unpack daw ng gamit. Sinamantala ko naman yung time na yun para maokray ko 'tong si inday Alex.
"Hoy bakla bakit mo naman ginawa yun kay Charles? Nage-expect siyang magkikita kayo bukas tapos i-indianin mo." sabi ko sabay batok sa ulo niya. Mahina lang siyempre love ko din naman siya eh. CHOS!
"Magkikita pa rin naman kami bukas ah." palusot ni Alex.
"Shungaers ka talaga ever. Niyaya ka niya bago pa man magyaya at lumitaw si Fifi. Tapos kayong dalawa lang dapat, ngayon may saling pusa na."
"Wala naman kasi siyang sinabing date yun. Saka wag ka nga masyadong mag-assume? School works lang naman din yung gagawin dapat namin eh, narinig mo naman na tinawag akong tutor ni Charles kanina."
"Eh kahit na, moment niyo dapat yun, kayong dalawa lang as in you and him together. Kaimbyerna 'to. Kaya nga tayo nagshopping diba para sa date niyo dapat. Ngayon naimbyerna na yung date niyo dapat dahil sa ginawa mo. Nakakainis 'to. Pumuputi tuloy pubic hair ko sayo."
"Kadiri ka. Hayaan mo na. Nahiya kasi ako bigla kanina nung muntik na niyang masabi kay Fifi yung plano naming magkita bukas." sagot ni Alex.
"At bakit ka naman nahiya aber? Aminin mo nagugustuhan mo na rin si Charles noh? ayiiii!"
BINABASA MO ANG
Once Upon an Ordinary Life
Romance(Pakiview na lang yung video teaser sa multimedia box or sa youtube para makilala yung characters at para mas feel niyo ang tatakbuhan story) Papaano kung ikaw ay isang simple at ordinaryong babae: mahiyain, ayaw sa atensyon, at may pagka anti-socia...