Chapter 48 Changes

93 2 0
                                    

Chapter 48    >>Changes<<

Alex’s POV

 

 

“Alex, samahan mo ako mamaya, bili tayo ng damit.” Anyaya ni Phillip pagkatapos namin siyang samahan kumain.

“Sigurado ka ba diyan Fi? Ang dami mong kailangang damit, isa pa, minsan mo lang din namang gagamitin yan.” Sagot naman ni Nicole na sumisipsip ng ice candy.

“I’ve got no choice. Kesa naman magrenta pa ako eh pano na lang kung hindi maganda yung fitting. I’ll just explain to dad, sana lang hindi ako umabot sa credit limit. Kung hindi lagot ako.” Sagot ni Phillip.

“Eh yung baboy natin, sigurado kaya sa kinakain niya?” biglang singit ni Matt.

“May baboy kayo?” tanong naman ni Nicole.

“Oo, hindi lang basta baboy yun no, baboy ramo pa. Alam mo yun, yung wild tapos kulay black. Ang taba taba pa nga eh tapos kung kumain eh walang hangganan.” Sagot ni Matt.

“Babatukan ka niyan mamaya.” Sagot ni Charles.

“Huh?” sagot ni Nicole sabay sipsip muli sa bitbit niyang ice candy.

“Hindi mo gets? Ikaw yung tinutukoy kong baboy ramo. Kain ka ng kain, ice candy pa yang pinatulan mo eh kung mamaos ka pagdating ng contest, nagsisi ka pa.” sagot ni Matt.

Wala pang tatlong segundo eh sumigaw na si Matt dahil sa sakit ng kurot at pagbatok ni Nicole sa kanya.

“Bakit eh para ka naman talagang baboy ah. Tumingin ka sa salamin, kamukha mo si Pumba sa Lion king.” Singit pa ni Matt na sinagot naman ni Nicole ng bugbog at kurot.

Umalis muli si Phillip para magpractice. Si Nicole naman, sa kabila ng pagpaparinig at pagpipigil ni Matt eh inubos pa rin yung buong ice candy niya. Sayang daw yung dalawang pisong bayad sa ice candy kung itatapon niya lang.

Once Upon an Ordinary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon