Chapter Forty Four

158 6 0
                                    

Jimin's POV


"Nabuksan mo na ba 'yung gift ko para sayo?" Napatigil naman ako sa pagsubo at biglang kinabahan. Hindi ko matignan ang Kuya ko na nasa harapan ko lang ngayon. Ni hindi ko matandaan kung nasaan ang binigay niyang gift saakin. Then it washes over me how I left him in the restaurant with the gift he had given me. Bigla naman akong nakaramdam nang kunsensya.


"Nilagay ko sa kwarto mo. Hindi mo ba nakita?" Tanong niya saakin. I pressed my eyes shut at yumuko na lang.


"Baka gusto mong buksan?" Aniya at bahid sa boses nito ang disappointment. Tumango-tango na lang ako nang hindi parin magawang tumingin sakanya.


"Aalis na ako." Aniya tsaka tumayo.


Tinigan ko siya hanggang makalabas ng pintuan. Sa ginawa ko, sinaktan ko 'yung feelings nang Kuya ko. Dahil sa nararamdaman ko kay Jungkook ay na-set aside ko yung feelings ni Kuya nung iniwan ko siya sa restaurant, it was supposed to be my celebration but he ended up celebrating it alone.


Sobrang tanga ko. Ang tanga-tanga ko.


Pumasok ako sa kwarto at nakita ang paper bag na nakalagay sa upuan ko. I sighed and pick it up pero may bigla namang tumawag sa phone ko. I walked over to my bed and when I saw the registered number, pinatay ko ang phone ko at itinapon sa bed ko.


Umupo ako doon at binuksan ang gift ng Kuya ko. It was sweater, a cute one. Napangiti naman ako. He still treats me like a baby, buying me stuff as if 14 years old parin ako.


Itinabi ko 'yon at inilagay sa cabinet ko. Bigla kong naisip si Jungkook. Oh shoot. Agad naman akong lumapit sa drawer ko at binuksan iyon, agad kong kinuha ang old phone ko. Binuksan ko 'yon and immediately typed his number and register it, yes I did memorize his phone number.


"Hey. It's Jimin. In case you want to contact me or whatever."

Sent.


Nagulat ako nang bigla siyang tumawag. I accepted the call at humiga sa kama.


"Hey." Sabi ko. "Hey, you." He said chuckling. God, I love the sound of his voice. Napapikit na lang ako. 'Yung bigat na nararamdaman ko kanina ay biglang gumaan.


"Kamusta ka?" Bigla niyang tanong. I smiled. "Ayos lang, kaw?" I asked. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.


"I'm good. Libre ka mamaya?" Pinipigilan ko ang sarili kong mapasigaw sa tuwa. Is he asking me out again?


"Yeah?" Saad ko. Nanginginig 'yung boses ko sa tuwa kaya naging short yung reply ko sakanya.


"Good, susunduin kita mamaya. Bring clothes, and things you need. Mago-overnight tayo."


Natahimik ako bigla.


///

If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog VerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon