Chapter One

1.3K 32 5
                                    


Jimin's POV


Finals na and then after this, wala na akong iisipin pa kundi ang humanap nang work. No more studies, no more exams. Makakalaya na ako sa pag-aaral.


I pauses at napairap ako nang maalala kong may Board Examination pa pala. Ang hirap talagang mabuhay.


Tinignan ko ang relo ko, masyado pang maaga pero naglalakad na ako papunta sa University. Ayokong ma-late, wala sa vocubulary ko 'yun.


Napahinto ako sa paglalakad because I need to cross the street pero naka-red light pa, kaya naghintay pa akong mag green light ito. Tumingin ako sa paligid ko at nagmasid.


Kokonti palang ang mga nakaabang sa tabi ko, ang ilan sakanila ay puro office workers. Napaka-seryoso ng mga mukha nila at panay din ang tingin sa kani-kanilang relo.


My heart jump out when someone hardly pat me on my back. Pagkatapos ay tumabi siya saakin. I look at him brows furrowed, pain lingering in my face.


Bigla namang nag-iba ang expression ko ng makita ko ang side profile nito. I blinked my eyes, bakit ang gwapo naman ng taong 'to? Yung hitsura niya yung typical na nasa AU and he's like coming into life.


"Green light na." Sambit nito saakin sabay lakad palayo, my eyes widened.


Natauhan ako at napatuwid nang tayo, nang napansin kong halos lahat ay nagmamadaling tumawid ay patakbong tumawid din ako. I only walked slowly nang makasunod ako sa likod nang taong malakas na tumapik ng likod ko kanina.


Nagtaka naman ako kung bakit parehas kami nang direksyon na pinupuntahan. Hindi kaya student din siya and pareho kami nang University na pinapasukan?


Hindi nga ako nagkamali dahil pumasok siya sa loob nang Univesity. Na-curious naman ako kung bakit ngayon ko lang siya nakita? I mean kahit di ako nakiki-socialize sa iba kapag big thing ka sa University ay makikila talaga kita.


Siya kasi 'yung tipo na pinag-uusapan talaga. Gwapo, matangkad at 'yung aura niya ay pasok sa mga desperadang babae na ang habol lang ay ang mga katulad niya. Isa lang ang reason na naiisip ko kung bakit ni minsan hindi ko siya nakita, transferee student siguro siya.


Nang makapasok na kaming dalawa sa loob nang Uni ay panay lang ang pagmamasid ko sakanya. Napahinto ako sa paglalakad at hindi na siya sinundan pa dahil sa ibang building ito pumunta.


Umiwas lang ako ng tingin nang nawala siya sa paningin ko. I walked up and headed towards my 1st class.


Nang makarating ako sa room ay umupo ako sa pinaka-dulo at tumingin sa labas nang bintana. Nakatanaw lang ako sa labas, sa may empty hallway to be exact, wala pang masyadong students na dumadaan.


Iniwas ko ang tingin ko at tumingin sa whiteboard. The color of it makes wanna take a nap, nakakaantok. Tumingin ako sa relo ko at meron pa akong 35 minutes bago pa man makarating ang Prof namin.

If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog VerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon