Chapter Three

385 20 0
                                    

Jimin’s POV

Napahinto ako nang makita ko siyang papalabas nang bahay nila. Pinagmasdan ko lang siya hanggang makalabas ito at magsimulang maglakad.

Niloloko ba ako nang mga mata ko?

Dito siya nakatira? Kailan pa? Hindi kame iisa nang subdivision pero palagi kong nadadaanan ang bahay na ‘to pero ni minsan hindi ko siya nakita dito.Ngayon lang.

I resumed walking habang nakasunod sakanya at parang pareho din yata kami ng Schedule dahil palagi kaming nagkakasabay sa umaga. I lowered down my gaze at mahigpit na hinawakan ang sling bag ko.

Nakatingin lang ako sa baba, watching my steps. Nagtaka ako nang bigla kong narinig ang paghinto nang footsteps nito, inangat ko agad ang ulo ko at tumingin sa direksyon nito.

Laking gulat ko nang bigla niya akong nilingon at tinignan ako nito. He is looking straight into my eyes and he straight up made me feel nervous.

Tinatagan ko ang loob ko at piniling hindi iwasan ang mga titig niya nang hindi humihinga dahil sa sobrang pagkataranta ko ngayon pero sinubukan kong wag ito ipahalata sakanya.

He tore his gaze away from me at dun ay nakahinga na ako nang maluwag, hindi ko alam ang ibig sabihin nang mga titig na ‘yon pero ang lakas nang epekto saakin.

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang kabang naramdaman ko simula nung magtama ang mga mata namin.

Medyo malayo na ito saakin kaya nagsimula na akong maglakad at kahit na mas nauna itong naglakad kesa saakin naabutan ko parin siya dahil huminto ito. Pareho kaming nakatayo at naghihintay na maka-cross nang street at para akong estatwang nakatayo sa likuran niya.

Sabay kaming dalawang pumasok sa loob nang University but I went straight to my class, hindi ko na sinubukan pang tignan siya ulit. Pagkapasok ko sa loob nang room ay nagmadali akong umupo sa pinakadulo, naglabas ng pen and notes at nilibang ang sarili ko.

Balisang-balisa ako hanggang sa binitawan ko ang pen na hawak ko and covered my face.

Bakit...

Bakit parang di siya maalis-alis sa isipan ko? Hanggang ngayon kasi iniisip ko parin ang nangyari kanina. Naaalala ko parin kung papaano niya ako titigan at kung anong naging epekto sakin nang mga titig na ‘yon.

“Good Morning class!”

Bigla akong natauhan at napatingin sa paligid ko. Halos nasa loob na silang lahat pero hindi ko man lang napansin na nandito na pala sila.

I tried erasing him off my mind at nakinig sa discussion namin today.


__*__


Lumabas ako nang classroom at pumunta sa Restroom. Nang makapasok ako sa loob ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang buhok ko pero bigla akong napatigil nang makita ko ang reflection ni Taehyung sa harap nang salamin.

Hindi ito ang unang beses na nagkita kami pero ito ang unang beses na ganito ako kalapit sakanya. Naghihilamos ito ng mukha at nang nag-angat ito nang ulo at makita ang reflection kong nakatitig sakanya, tinaasan niya ako ng kilay. Napalunok ako sa ginawa niya.

“What?” He asked me annoyed with his bored eyes.

Nagmadali akong umiwas nang tingin at pumunta sa toilet pero di ‘yun naging madali dahil nakasalubong ko si Yoongi, tahimik lang siyang dumaan sa tabi ko.

Hindi rin nagtagal ay narinig ko naman ang pagsarado ng pintuan.

Wala na sila.

After doing my business I walked off. Naglakad na ako sa hallway at napamura ako internally nang makita ko ang grupo nina Namjoon. Bakit ba puro grupo nila ang nakikita ko ngayong araw.

If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog VerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon