Chapter Sixteen

227 10 2
                                    

Jimin's POV


Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Namjoon. Nakasandal ito sa kotse niya na para bang may hinihintay. Nagpatuloy ako sa paglalakad at lalagpasan ko na dapat siya nang bigla itong magsalita.


"Nauna na siyang pumasok, binilin ka niya saakin." Sambit niya. Okay, sambit ko sa sarili ko hiding the fact that na nakaramdam ako nang pagka-dismay sa narinig ko at naglakad na ako ulit pero nagsalita agad siya refraining from going anywhere. Ang istorbo naman niya.


"Sumabay kana saakin." Tinapunan ko siya nang tingin at umiling, hindi na kailangan, sa isip ko. Pero hindi ata niya ako naintindihan dahil binuksan niya ang pintuan nang kotse niya.


"Look hindi ko to ginagawa dahil gusto ko, okay? Jungkook asked me kaya halika na." Naiiritang sambit nito habang ang sama nang tingin saakin, tinaasan ko siya ng kilay, so kasalanan ko pa ngayon?


I stick my tongue out to piss him off sabay tumakbo palayo sakanya. Hingal na hingal akong pumasok sa loob nang University. May biglang nag-alok saakin ng tubig, walang pag-aalinlangan kong kinuha 'yon at agad na ininom.


"Since tinanggap mo ang tulong ko may mga katanungan akongㅡ" Bigla kong naibuga ang iniinom ko. I heard him groan in disgust and napagtanto kong si Taehyung pala ang nasa harapan ko't nagbigay ng bottled water saakin.


"Jimin, what the fuck?" I gasped a little out of shock and took a step away.


Kinuha niya agad ang panyo niya at pinunasan niya ang mukha niya. He harshly threw his handkerchief pagkatapos ay lumapit siya saakin. Sasapakin ba ako ng taong 'to? Subukan niya lang, di na siya makakalapit sa Kuya ko pag nagkataon.


"Hoy! Hoy!" I heard Jaebum's voice, pagkatapos the three of them stood in front of me shielding me from Taehyung.


Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang intensyon nang tatlong ito. Masyado bang maaga kung ico-conclude kong hindi naman siguro bad ang intension nila saakin? I mean lagi silang nandyan pero ni minsan hindi naman nila ako sinaktan.


"Oh, ang tatlong mga ugok na bullies." Taehyung spat out, raising a brow, ina-annoy 'yung tatlo.


"Bully? Eh, ikaw tong nang-aaway kay Jimin!" Sigaw ni Jackson dito. Tahimik ko silang tinignan. Ang tatanga nila tignan.


"Nang-aaway? Excuse me? Mukha ba akong nang-aaway?" Tanong ni Taehyung, "Look, kung wala kayong magawa sa mga walang kwentang buhay niyo, lumayo-layo na lang kayo. I'd appreciate if you do." Aniya sabay taboy sakanilang tatlo and gesture them to go away Jin-young clenched his jaw.


"Walang kwenta? Says the one who loses the game yesterday. Mga talunan, walang kwentang players!" Jin-young barks, tinawanan naman ito ni Jackson at Jaebum. Adults ba talaga sila? Kung mag-iway parang mga batang nag-aagawan lang ng laruan, ang babaw ng mga banatan eh.


"Walang kwenta?" Akmang susugurin na sana ni Taehyung 'yung tatlo ng biglang pumagitna si Namjoon. Pumasok na naman siya sa eksena, gusto ko na tuloy lumayo, kaso gusto ko pang makita ang susunod na mangyayari. Hindi ko alam pero bigla akong nagkaroon nang pake.

If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog VerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon