Chapter Fifty Five

127 3 5
                                    

Jungkook's POV


Dabi blocked my number kaya hindi ko na ito matawagan ngayon. I dropped my phone at tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko. She respected and supported my decision na umalis muna ng States, ginawa niya 'yon despite knowing she's bearing our child. Wala siyang sinabi, till the very end, she kept it to herself even when I asked for break up, wala siyang sinabi. 'Yung kapakanan ko parin ang iniisip niya dahil alam niyang magbabago 'yung isip ko kapag sinabi niya saakin.


Papaano ko 'to nagawa sa taong walang ibang ginawa kundi ang intindihin ako't palaging nandyan para saakin?


Paano ko siya nagawang ipagpalit ng ganun-ganun na lang? Bakit biglang nabago 'yung feelings ko at nabaling sa iba? Bakit hinayaan kong mangyari 'yun?


I abandoned my girlfriend and our child dahil pinili kong maging masaya sa taong bigla ko lang nagustuhan at minahal.


Galit ako sa totoong pamilya ko, for abandoning me, at lumaki sa ibang pamilya that I don't feel I belong pero sa ginagawa ko ngayon hindi ba't wala akong pinagkaiba sakanila?


Ayoko. Hindi ito 'yung buhay na ginusto ko para saakin kaya hindi ko pu-puwedeng gawin 'yon sa magiging anak ko.


Even when that means, leaving Jimin.


Leaving Jimin... I felt my chest tightens at these words. I was ready to risk it all for him, hindi ako nagsinungaling when I told him I can't let him go, na di ko kakayanin kung wala ito sa tabi ko but the circumstances are different now, kahit gusto kong manatili para sakanya mas malake 'yung responsibilidad ko kay Dabi.


Babalik ako sa States, kahit na at the back of my mind it could mean danger to Jimin-hyung. I felt so terribly sorry, I felt so guilty for doing this to him but I don't have a choice.


"I bet he's waiting for you to come back." Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Hoseok-hyung, he is staring down at me, worriedly. Iniwas ko ang tingin ko at pinunasan ang mga luha ko, I took a deep breath.


"Kung iiwan mo siya, hindi ba dapat magpaalam ka ng maayos? Tumatakbo 'yung oras, dapat ibigay mo na sakanya 'yung natitirang oras na meron ka hindi 'yung pinagkakait mo pa." Hoseok-hyung said with a trace of teasing in his voice, his way of lighting the mood a little bit.


"Ano pang inuupo-upo mo dyan?" Hoseok asked him, Jungkook nodded his head. "Puntahan mo na siya." He added, iniwas ko ang tingin ko sakanya at tahimik na tumango.


Binato niya saakin ang car key. "Go ahead, ako nang bahala kay Tita." Hinawakan ko ang susi at tumayo na, hindi ko na siya binalingan pa ng tingin at dali-daling lumabas ng bahay.


I parked the car on the side at bumaba. Nagda-dalawang isip akong harapin siya ngayon but at some point, Hoseok was right. I just don't think I could say a proper goodbye, ayokong sabihin ang totoo sakanya dahil hindi ko kaya. I don't want him to ask me to stay dahil hindi ko kayang gawin 'yon, this time hindi ko na siya kayang piliin. If only the circumstances were different then I would choose him over and over.

If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog VerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon