Chapter Two

504 19 1
                                    

Jimin's POV

Next Day!

Kinusot ko ang mga mata ko para siguraduhin na hindi ako namamalikmata. Nang mapagtanto kong hindi talaga ay ginawa ko ang isa ko pang option 'yun ay kurutin ang sarili ko.

Pero siya parin ang nakikita ko.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang iniisip kung nakatira ba kami sa iisang subdivision. Nakasunod lang ako sa likod nito at habang naglalakad kaming dalawa ay tinatanong ko parin ang sarili ko.

But I decided to drop it.

Tumingin ako sa baba at napatingin sa mga paa nito. Napaka-silly nang naisip ko pero napangiti ako at ginawa ito, ginaya ko ang bawat hakbang nito.

Right step. . . Left step. . . Right step and so on. . .

He suddenly stops and that made me stop as well. I lifted my head and realizes na kaya siya huminto ay dahil naka red light pa. Pero nabigla ako sa sumunod na ginawa niya, tumawid siya bigla!

I quickly check if may mga sasakyan bang paparating pero nung mapagtanto kong walang sasakyan na dumadaan ay ginaya ko na rin siya, mabilis akong tumakbo at hinabol siya.

Hindi ko alam kung bakit ko kailangan makasunod sakanya pupwede naman na hintayin kong mag green light, confusion swells in me but ignores it as soon as I was already walking behind him again.

Kapag nalaman 'to nang kuya ko paniguradong sermon ang aabutin ko. Pero wala namang magsasabi sakanya diba? Hindi ko rin naman sasabihin sakanya.

Nang makapasok na kami sa University ay humiwalay na ako dito at nagtungo sa first class ko and as expected ako pa lang ang naunang dumating.

Umupo na ako agad sa paborito kong spot. My lips twitches, I can't hold back my smile as I get reminded by what happened earlier. Coincidentally nagkasabay kami at parehong tumawid nang kalsada habang naka-red light pa.

Napailing na lang ako at sinubukang alisin ang ngiting nakapinta sa mukha ko.

Very strange feeling masyadong bago para saakin.

Hindi rin nagtagal ay padami nang padami ang pumapasok sa classroom and a moment after dumating narin ang professor namin.

The class went well at focus na focus ako dahil kailangan kong bumawi. Tinignan ko ang paligid ko, halos lahat ng mga students ay nakalabas na kasama ang isa't-isa.

Wala akong kaibigan sa classroom kaya wala akong kasabay kumain, walang kasabay na umuwi, in short nag-iisa. Pero hind issue saakin 'yun dahil sanay na ako.

Ang boring nang buhay ko diba? Nakaka-lungkot para sa iba pero hindi para saakin. Dahil kuntento na ako sa ganito.

Kapag mag-isa ka, hindi ka masasaktan nang iba. Hindi ka mapapalapit sa isang tao at hindi ka makakaramdam ng pain pag iniwanan ka.

Pero hindi ako literal na nag-iisa dahil may Kuya ako but we are not that close now hindi na tulad nang dati. Unti-unting nagbago ang relasyon naming dalawa sa isa't-isa not because we don't love each other and especially not because I hated my older brother.

I was only guarding my heart.

Na sa kung sakali man na iwan din ako ng Kuya ko atleast napaghandaan ko na, at least hindi na masyadong masakit.

I smiled faintly and shook my head before grabbing my bag. Masyado na akong nag-iisip nang mga bagay-bagay and it needed to be stop.

Pagkalabas ko pa lang ng classroom, ay agad na akong nagtungo sa cafeteria. Umorder ako at deretsong naghanap ng mauupuan dala ang inorder kong pagkain.

If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog VerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon