Chapter Six

308 14 0
                                    

Jimin's POV


Nakatayo siya sa pintuan at naka cross ang arms nito habang nakatingin saakin. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at halatang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya ngayon.


He clenches his jaw and steps forward. Kinakabahan na ako mukha kasi siyang manananakit. Napatingin ako sa baba at hindi na muling tumingin sakanya sa sobrang takot ko.


I pressed my thighs tightly and rested both of my hands on my lap.


He stops midway at napatingin ako sa sapatos nito. Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at napatingin sakanya in confusion.


Bahagya syang nakatitig sa mga paa ko at hindi na siya mukhang mananakit. Para bang biglang nag shift ang atensyon niyat nakalimutan niya yung galit o inis na naramdaman niya kanina dahil sa nakita niya.


Napatingin ako sa baba at bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa hitsura ng mga medyas na suot ko. Ang dumi-dumi kasi. Sinubukan kong itago ang mga paa ko pero huli nat nakita na niya.


Yumuko lang ako sa kahihiyan and clenched my hands. Narinig ko ang mga hakbang nitong papalayo at hindi na ito pinansin pa. Mainit parin ang mga pisngi ko, nagsisisi akong pumasok pa dito.


Kung hindi sana ako pumunta dito ay hindi ko siya makikita at hindi ako mapapahiya nang ganito.


Bumilog ang mga mata ako nang bigla itong lumuhod sa harapan ko. Gulat na gulat akong nakatingin sakanya. Hinawakan niya ang ankle ko para ipasuot saakin ang slipper na hawak-hawak niya ngayon.


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.


Ang buong akala ko ay umalis na siya. Hindi ko man lang napansin na nilapitan niya ako at bakit niya ginagawa 'to? Masyado ba akong nakakaawa tignan para mag change of heart siya?


Kahit na nakakahiya ay napangiti ako sa ginawa niyang pagtulong saakin.


He sighs and got up, nawala agad ang ngiti ko sa labi at pinagmasdan lang ang color black na slippers na pinasuot niya saakin.


Hinintay ko lang siyang makalabas hanggang sa marinig ko ang pagsarado ng pintuan. Hindi ko mapigilan at tinignan ang slippers na suot-suot ko habang nakangiti ulit.


I stomp my feet on the ground and giggle.


Umuwi ako nang bahay habang naka-slipper lang. I entered the passcode at pumasok sa loob. Napansin ko naman na bising-busy ang Kuya ko't nakatuon ang atensyon nito sa phone niya, nilagpasan ko lang siya at dumeretso sa kwarto ko.


Humiga ako sa kama ko without changing my clothes. Nakaapak sa floor ang mga paa ko habang nakahiga ako't suot-suot ko parin ang slippers nito, hindi ko muna hinubad.


Naiisip ko parin ang mga nangyari kanina at may kung ano akong nararamdamang kiliti sa stomach ko.

If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog VerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon