Jimin’s POV
He furrowed his brows and looked at me expression confused pero agad din ‘yon nawala and look at the other direction.
“Yeah,” Aniya. Ngayon ko lang napansin that he was talking to someone in his phone. Kaya siguro siya lumabas para sagutin ang tawag na ‘yon.
Binaba ko ang tingin ko at tinignan lang ang sapatos ko, tahimik na pinapakalma ang sarili ko pero ang lakas-lakas parin nang pintig ng puso ko. Hindi ko na siya muling narinig na magsalita, ang mga hakbang niyang pabalik ang tangi kong naririnig.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang pumasok.
Maya-maya pa ay nagsilabasan narin ang mga students at naunang lumabas si Taehyung. Agad akong tumayo para salubungin siya. Nakangiti ito habang papalapit ako sakanya pero hindi ako natutuwa sakanya.
“Para kang puppy, you listen so well.” Aniya sabay pat ng phone sa ulo ko, sinamaan ko lang siya nang tingin.
“Here.” Aniya sabay bigay nang phone ko. I took my phone from him pagkatapos ay tinalikuran ko na ito.
“I found a cutie in your contacts, pakisabi to reply when I text him!”
Hindi ko na siya pinansin pa at umalis nang tuluyan habang mahigpit na nakahawak sa phone ko. Silently pleading na sana ito na ang pinaka-huling beses na makaka-interact o makakausap ang isa sakanila.
Pagkatapos nang buong klase ko ay dumeretso ako sa bahay. Pinagbuksan ako nang Kuya ko ng pintuan, normally nginingitian niya ako, pero ngayon napaka-seryoso nang expression niya. Binalewala ko ito’t pumasok ako sa loob at nilagpasan siya pero bigla siyang nagsalita kaya napahinto ako.
“We need to talk.” Naglakad ako sa living room, inilagay don ang sling bag ko at umupo, hinihintay siyang makaupo sa tabi ko.
Tulad nang sinabi ko, umupo siya sa tabi ko, I look at him curiously, malungkot ang mga mata nito habang nakatingin saakin, pinagmasdan ko lang siya at hinihintay na magsalita ito pero mukhang may idea na ako sa kung ano man ang sasabihin niya.
Kung inaakala niya persuading me will work, nagkakamali siya.
“Jimin...” Tawag niya sa pangalan ko, “You know mom is sick.” Aniya at bahid sa boses nito ang pag-aalala. Tinignan ko lang siya at alam kong he’s waiting for my reaction pero nang wala itong makitang reaksyon o awa na nakikita mula saakin mas lalong lumungkot ang mga mata niya.
Seokjin-hyung held my hands in his and caresses it softly. Napatingin ako sa mga kamay kong hinahawakan niya.
“She wants to see you.” He said tone sad.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay nitong nakahawak saakin. Tumayo ako nang hindi siya tinitignan at kinuha ang bag ko.
“Mama parin natin siya.” Seokjin spat out tone harsh at sa tingin niya ba nakalimutan ko ‘yon?
“Hindi mo ba talaga siya kayang patawarin?” Seokjin asked me.
Masyadong maraming nangyari ngayong araw at kailangan ko nang magpahinga. Umalis na ako at tuluyan kong iniwan ang kapatid kong nag-iisa sa living room.
Sinara ko ang pintuan nang kwarto ko at binitawan ang bag ko at hinayaan itong nakakalat sa sahig. Dumeretso ako sa drawer ko, kumuha nang comfy clothes at nagbihis na agad.
Nilagay ko sa basket ang madumi kong damit bago pa man ako humiga sa kama ko. I let out a heavy sigh bago pa man ipinikit ang mga mata ko.

BINABASA MO ANG
If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog Ver
Fiksi Penggemar"𝑵𝒐, 𝒚𝒐𝒖 𝒅𝒐𝒏'𝒕." "𝑲𝒂𝒔𝒊 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒐 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂... 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒅𝒂𝒕𝒊 𝒑𝒂." Date Started: March 27, 2020 Date Ended: January 1, 2022