Jimin's POV
Han River
Nakaupo ako ngayon sa damuhan habang nakatanaw sa kawalan. Pakiramdam ko ay namamanhid 'yung buong katawan ko pero patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko.
Sobrang blangko nang isip ko, nagfo-focus na lang ako bigat nang nararamdaman ko.
My vision is getting blurry kaya ipinikit ko muna ang mga mata ko. It took few seconds bago ko binuksan ang mga mata ko. I chuckle dryly habang tinitignan ang mga bituin.
Nakahiga na pala ako sa damuhan, I cursed under my breath at ngumiti ng mapakla.
__*__
True to his words, sinundo ako ni Namjoon around 9:50 am. Sobrang labag sa kalooban ko ang pagsama sakanya. Hindi ko na rin pwedeng bawiin 'yon.
"Hey, pretty." Pilit akong ngumiti dito. Kinuha niya ang dala-dala kong travel bag, at biglang nagulat dahil sa nakita niyang naka-bandage kong kamay.
Tinignan niya lang 'yon and I'm glad, he didn't ask about it at ginuide ako ng tahimik papasok ng sasakyan.
Hindi ko nakita ang Kuya ko this morning, he didn't prepare breakfast either. Siguro ay naiinis parin siya saakin ngayon pero may karapatan ba talaga siyang magalit saakin?, I was tolerating his relationship with Taehyung, I consider his feelings kahit sa part kong sobrang unfair na. Sa aming dalawa ako 'yung agrabyado at dapat nakikita niya 'yon.
"Okay ka lang?" I'm not. At kailangan kong mag pretend na okay para sayo. Bakit ba kasi sa lahat ng tao sa University ako pa itong nagustuhan mo, ang talino mo pero sa maling tao ka lang pala mafa-fall.
"Okay lang." Tipid kong sambit sakanya. Gusto kong putulin 'yung dila ko para sana wala akong dahilan para dugtungan yung conversation namin, bakit ba ang dali kong makunsensya these days?
"Ikaw?" Namjoon chuckles, "Hindi mo na dapat tinatanong 'yan. I'm with you." I smiled plainly. Hindi ko magawang kiligin sakanya kahit napaka-sweet talker niya. Si Jungkook na puro hey lang ang sinasabi ay para na akong mababaliw pag naririnig yon.
Ang bobo ko rin talaga, I snorted.
Tinignan ko naman ang bracelet na suot-suot ko ngayon, as if Jungkook didn't purposely ignore me last night ay napangiti ako, wondering if he's wearing his as well?
Pero paano naman niya iisipin na ibinigay ko sakanya 'yun kung iniwan ko lang sa kotse niya ng walang pasabi. I wasn't planning on leaving it behind without telling him, but his reaction got me and I was hoping na tama talaga 'yung nakikita ko. He was affected, I'm almost convinced that he's definitely jealous last night.
Imposible talaga niyang isipin na ibinigay ko 'yon sakanya.
I heave a sigh.
"Ang tanga ko." Bulong ko.
"May sinasabi ka?" Bigla naman akong napatalon sa upuan dahil sa gulat, I said it loud again.
"Ah, wala." Sabi ko na lang. Tumingin ulit ako sa bracelet ko.
As stare at it, may biglang sumagi sa isip ko. What if I asked for a sign Ngumiti ako, at nagsimula nang pumikit, with my hands clasped together.
Kapag nakita kong suot-suot ni Jungkook ang bracelet na binigay ko, ibig sabihin non...
Siya na talaga ang lalake para saakin. Na kahit umalis pa siya ay babalikan rin ako sa huli.
BINABASA MO ANG
If It Is You [Jikook/Kookmin] || Tagalog Ver
Fanfiction"𝑵𝒐, 𝒚𝒐𝒖 𝒅𝒐𝒏'𝒕." "𝑲𝒂𝒔𝒊 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒐 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂... 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒅𝒂𝒕𝒊 𝒑𝒂." Date Started: March 27, 2020 Date Ended: January 1, 2022