KABANATA 7
HINDI man sigurado sa naging sagot ko'y ibinigay ko pa rin kay prof ang pentel pen niya matapos kung sagutan ang tanong na nasa board.
Hindi ako sigurado sa sagot ko dahil nakalimutan ko kung ano ang panghuling equation na gagamitin sa problem na ito. Actually, naaral ko na naman ito kagabi pero sadyang nakalimutan ko lang talaga kung ano ang dapat na panghuling equation ang dapat kong gamitin. Ang rami ko kasing inaral kagabi tas kulang pa ako sa tulog kaya siguro nakalimutan ko kung ano ang panghuling equation na dapat kong gamitin.
Tinanggap ni ma'am ang pentel pen na inilahad ko sakanya, pagkatapos ay nilingon niya ang gawi ng board upang siguro'y tignan kung tama ba ang naging sagot ko. At hindi ko inaakalang gano'n gano'n nalang ang kaba na mararamdaman ko, lalo na ng makita ko kung paano maningkit ang mga mata ni ma'am at kung paano rin kumunot ang noo nito, isang palatandaan na mukhang mali ang pag kaka solve ko at hindi niya na gets ito.
Dahil sa kaisipang iyon ay literal na kinabahan talaga ako, at mas lalo pa akong kinabahan ng makita ko kung paano siya lumapit sa gawi ng mesa, upang kunin ang libro.
Ilang segundo rin munang nagpabalik balik ang tingin niya sa board at sa libro bago niya muling binitawan ang libro na hawak hawak niya.
"How did you do this?" tanong niya sa akin, ang tinutukoy ay ang si-nolve ko na nasa board.
"Po?" taka kong tanong.
"I said, paano mo nagawa ang equation na ito?"
Kinabahan ako dahil sa tanong niyang iyon, kinabahan ako dahil sa pag-aakalang mali ang naging sagot ko kung kaya't naging gano'n nalang ang naging reaksiyon niya, "Ho? Bakit ho? Hindi po ba tama ang pag kaka solve ko?"
With that thought my heart beat so fast, like there's a person inside on it, drumming who also made my heart pound.
"No, you solve it right, but the question is paano mo nalaman ang equation na ito at bakit kahit iba ang equation na ginamit mo'y nasagot mo pa rin ng tama ang tanong?"
"Ewan ko po, basta't ang alam ko lang po ay inaral ko po kagabi 'yong nasa libro. Tas nong nag so-solve na po ako'y bigla kong nakalimutan 'yong isang equation na kailangan, kaya gumawa na lang po ako ng akin," sagot ko sakanya na siyang nagpabigla sakanya.
I saw how her eyes widened because of what I've said, "Dean, must know about this," ang nakangiti niyang usal na siyang nagpataka sa akin. Like what? Ipapaalam niya kay dean ang tungkol sa nangyari rito?! For what reason? Anong kinalaman ni Dean dito? E, hindi naman si Dean ang guro ko sa subject na ito o hindi kaya'y wala naman siyang kinalaman sa problem solving na nasa board. Kaya anong meron at bakit napasali bigla si Dean dito? What's with Dean?
I was about to asked her those questions ngunit hindi ko na ito naituloy pa nang maunahan niya ko sa pagsasalita.
"Ano—"
"—class open your book to page 70 to 80 study it and we will have an exam tomorrow," pagpuputol niya. Pagkatapos ay bumaling siya sa gawi ko, "While you," aniya habang nakaturo sa akin.
"Po?" taka ko namang tanong dito habang nakaturo sa sarili.
Tumango siya, "Follow me," she commanded kung kaya't wala akong ibang nagawa kundi sundan ang yapak niya. Nagtataka man kung saan kami pupunta'y sumunod pa rin ako sa mga yapak niya kahit na'y kinakabahan na ako. Kinakabahan dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Nanginginig ang mga kamay ko habang sinundan ko ang mga yapak na pinapakawalan niya. At hindi ko inaakalang ang kaba na nararamdaman ko na iyon ay mas dodoble pa lalo na nang mapagtanto ko kung saan ang direksiyon nitong daan na tinatahak namin. Kasabay rin niyon ay ang pag-usbong ng pagtataka. Pagtataka kung bakit namin tinatahak ang direksiyon na ito gayong wala naman akong nagawang kasalanan....puwera na lang sa ginawang pagtulog ko sa klase ko.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...