Kabanata 35

5.2K 75 4
                                    

"WHAT'S happening on me?" ang tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin na nasa harapan ko.

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko at kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Hindi ko mawari sapagkat, hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang bagay na ito para sakan'ya. Hindi ko mawari dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko nararamdaman 'to—kung bakit nakakaramdam ako ng pagka miss para sakan'ya.

Napabuntong hininga ako bago dahan-dahang ibinibaba ang salamin na hawak hawak ko. Inilagay ko ito sa tukador bago ako napaupo sa katre ko. Sinapo ko ang noo ko, bago ko pinokpok ang ulo ko ng sa gayon ay mawala na itong nararamdaman ko para sakan'ya—mawala na 'tong pagka miss na nararamdaman ko para sakan'ya.

Ilang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang bagay na iyon—simula ng muntikan na niyang magawa ang bagay na iyon sa akin at magpahanggang ngayon ay sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat ng iyon, ang lahat ng ginawa sa akin, at ewan ko ba kung bakit, kung bakit parang napatawad ko na siya, e samantalang ilang linggo pa naman ang lumipas simula ng mangyari ang bagay na iyon—simula ng muntikan niya akong ma rape.

At ewan ko nga ba kung bakit parang hinahanap ko siya.

Napabuntong hininga ako.

Oo, inaamin ko, inaamin ko kahit na'y labag sa loob ko dahil ako lang rin naman ang dahilan kung bakit siya lumayo sa akin at kung bakit ko siya na mi-miss ng ganito.

Magmula kasi ng araw na iyon, magmula ng sabihin ko ang mga kataga na iyon sakan'ya ay never ko na siyang nakita. He fullfilled the wished that I said to him, and I don't know why, kung bakit ako nakakaramdam ng ganito e, in the first place ako naman ang humiling niyon.

Ilang linggo na ang lumipas simula ng huli ko siyang makita, sa katunayan nga'y lumipas na ang pasko at bukas na ang bagong taon kung kaya rin iyon ang dahilan kung bakit hindi ako pumasok ngayon sa mga sideline ko. Hindi ako pumasok sapagkat gagayak ako ngayong araw para bumili ng kakailanganin para sa munti naming noche buena para mamayang gabi.

Mula sa pagkakaupo ko'y tumayo na ako at saka bumaba sa ibaba para makaligo na. Si Lola ang una naabutan ko pagkababa na pagkababa ko pa lang, nakaupo ito sa paborito nitong silya na kung tawagin nila ay rocking chair, na nabili ko lang do'n sa divisoria ng one hundred pesos.

"Good morning lola," ang nakangiti kong bati rito pagkababa na pagkababa ko pa lang.

Ang ngiti ko na iyon ay napawi ng marinig ko ang mga kataga na isinagot nito sa tinuran ko, "Sino ka?"

Naglaho ng parang bola ang ngiti na nakaukit sa aking labi dahil sa mga kataga na tinuran niya, malungkot akong napangiti bago napabuntong hininga.

Hay lola, kailan kaya dadating ang araw na makikilala mo 'ko ng hindi na kita kakaikanganin pang papaalalahanan?

"Ba't di ka makasagot? Magnanakaw ka siguro no?" muli nitong tanong ng wala itong nakuhang sagot mula sa mga nauna nitong itinanong sa akin.

Napabuntong hininga ako bago pilit na pinasaya ang boses na sagutin ang tanong nito, "Naku! Naku, hindi po lola," paninimula kong turan, "Ako po 'to si Marra, 'yong maganda niyong apo sa anak niyo kay Mercy."

Naningkit ang mga mata nito bago ako nito sinuri ng tingin mula ulo hanggang paa, napatango tango ito na siyang ikinahinga ko naman ng maluwag dahil isa lamang ang ibig sabihin niyon at iyon ay ang na recognize na nga niya ako.

"Ahh oo nga, ikaw nga 'yong apo ko!" masayang bati nito bago dahan dahang tumayo mula sa pagkakaupo nito sa rocking chair.

Agaran naman akong lumapit sa gawi nito para tulungan itong makatayo, "Payakap nga apo 'ko," ani nito sa akin bago ako yinakap, yinakap ko naman ito ng pabalik. Mahigpit ko itong yinakap, ewan ko ba kung bakit, pero this fast few days hindi na kami ganoon nakakapagbonding ni lola, since ang busing busy ko, at pag nandito naman ako, palagi akong wala sa sarili dahil sa mga kaganapan noong nakaraan.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon