KABANATA 9
Napalingon ako sa likod ko dahil sa narinig ko na iyon, at doon ko nakita si Vildamir na may hawak hawak na kulay itim na bagay sa kanan nitong kamay, na sa palagay ko'y isang remote control. Sa kaliwang bahagi naman nito'y naroroon ang sugatan na si Lucille na akay-akay niya.
Sa likod nilang dalawa ay naroroon ang traydor naming kaibigan, na hindi man lang mababakasan ng pagsisisi ang reaksiyon ng mukha. Sa magkabilaang gilid niya ay naroroon ang mga alalay nila. Kapwa ang mga ito ay may hawak hawak na baril. At ang lahat ng baril na iyon ay nakaturo sa gawi namin.
"Ang sabi ko'y padaanin niyo kami kasi kung hindi-"
Hindi na nito natapos pa ang balak nitong sabihin ng bigla na lang sumabat si Shawnel sa usapan. "-Kasi kung hindi'y pasasabugin mo si Speare?" sarkastikong tanong ni Shawnel na siyang nagpataka sa akin at nagpalingon sa gawi niya.
Isang nagtatakang tanong ang ipinukol ko sakanya, nagtataka kung bakit niya ginanon si Vildamir-bakit niya ito sinarkastiko, e samantalang alam naman niya na hawak ng tarantadung lalaki na iyon ang buhay ni Speare, at sa oras na mainsulto o hindi kaya'y mainis ang lalaking tarantadung iyon ay paniguradong patay ang bata dahil sa bomba na nakakabit sa katawan nito, at dahil na rin sa kadahilanang ang tanging bagay na magpapasabog sa bomba na iyon ay nasa tarantadung ito.
"Do you really think that we're that kind of bobo?" Shawnel added. Ang nakakirita at mapanuya na ngiting nakapaskil sa labi ay naroroon pa rin.
Hindi na ako magtataka pa kong sa pagkakataong ito'y inis na inis na Vildamir kay Shawnel. Ikaw ba naman ang ngisian ng nakakairita at mapanuya, sino ang hindi maiinis don?
At hindi nga ako nagkakamali sa hinuha ko ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano kumuyom ang mga palad ni Vildamir at kung paano umigting ang panga nito. Isang palatandaan na naiinis ito kay Shawnel. Ngunit di naglaon ay napalitan ang inis na iyon ng pagtataka.
"What do you mean?" Vildamir asked out of coriousity.
Siguro nagtataka rin ito sa mga inakto ni Shawnel. Siguro nagtataka rin ito kung bakit hindi man lang ata nag-alala o natatakot si Shawnel sa naging banta niya. Inhort, nagtataka ito kagaya ko.
"Yeah, what do you mean? At bakit hindi ka man lang ata natatakot sa banta ni Vild?" segunda naman ni Lucille na siyang napagtanto sa akin na tama ako sa mga hinala ko-na kagaya ko rin sila, clueless na clueless tungkol sa mga nangyayari at kung bakit kung makaasta ang kaibigan ko'y kakaiba. Kakaiba, dahil imbes na matakot siya'y 'tila mas nasasayahan pa siya.
Mas lalo pang lumapad ang ngiti na nasa mga labi ni Shawnel dahil sa tanong na iyon. "Find it on your own," Shawnel answered, still using his sarcastic tone.
Tumiim ang bagang ni Vildamir dahil doon. "Padadaanin niyo kami o papasabugin ko ang bata?!" galit na tanong nito na siyang tinawanan lang ni Shawnel at ng ibang pulis.
"In the count of three kapag kami ay hindi niyo padadaanin. Hindi ako magdadalawang isip na pasabugin-"
Hindi na nito natapos pa ang balak nitong sasabihin ng may sumabat.
"Ba't hindi nalang kayo sumuko Vildamir? Ang dami mong satsat e, sa kulungan rin naman ang bagsak mo!" pagpuputol ni Vixen sa balak na sasabihin sana ni Vildamir. Na mas lalo pang nagpagalit kay Vildamir at mas lalo pang nagpataka sa akin.
Like fuck?! Pati rin ba siya? Ano ba ang nangyayari sa mundo? At bakit kung makaasta ang mga kaibigan ko'y kakaiba? Ano ba ang nakain ng mga kasamahan ko at bakit tila hindi man lang natatakot ang mga ito sa mga banta ni Vildamir?
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomantikC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...