Kabanata 41

4.4K 71 1
                                    

"Water?" tanong ko sakan'ya ng makita kong medyo nahihimasmasan na siya mula sa pag-iyak niya.

Mula sa pagkakayuko'y nag-angat ito ng tingin bago ako tinanguan at doon ko nakita ang pulang-pula niyang mga mata dulot ng matinding pag-iyak niya.

Kanina, kahit na'y ang tindi-tindi na ng pag-iyak at mga paghikbi na pinapakawalan niya'y tila wala lamang ang mga ito para sa iba naming mga kaklase. Nagtatawanan lang kasi ang mga ito habang may kung anong ginagawa na hindi ko alam kung para saan at wala na rin akong balak na alamin pa.

'Yong iba naman naming mga kaklase ay busing busy rin sa ginagawa nilang paglalaro sa cellphone nila, nangunguna na roon ang anak ng dean na dapat sana'y magiging mabuting ihemplo para sa amin pero't sa kasamaang palad ay ito pa mismo ang nagsisimula ng kalokohan.

Samantalang, 'yong kakambal naman ni Candice na si Christine ay busing busy rin lang sa pakikipagdaldalan sa katabi niya na tila ba'y wala siyang pakialam sa kakambal niyang umiiyak. Na tila ba'y hindi niya kakambal itong umiiyak na katabi ko.

Napairap tuloy ako dahil doon. Medyo nakakainis rin naman pala kasi ang ugali nitong si Christine. No wonder, kung bakit hindi sila nagkakasundo ni Candice. Kasi kung ako lang rin si Candice, paniguradong kanina ko pa nilampaso sa malamig na sahig ang pagmumukha nito.

Kinuha ko ang mineral bottle na baon baon ko sa bag ko, kinuha ko ito at saka binuksan muna ang takip nito bago ibinigay sa katabi kong lumuluha pa rin.

Kinuha niya naman ito bago inisang lagok, nang matapos ay humihikbing ibinababa niya ito bago marahas na pinunasan ang mga luhang nasa pisnge niya.

At this moment, the happy go lucky girl that I know, gone. And it tears me apart.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ko sakan'ya ng makita kung medyo nahihimasmasan na ito sa ginagawa nitong pag-iyak.

Isang kibit balikat lamang ang isinagot nito sa tanong ko bago muling yumuko.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa nakita kong reaksiyon niya, kalauna'y hinawakan ko ang ulo niya bago pinahilig sa  balikat ko.

Hinaplos ko ang buhok niya sabay sambit sa mga katagang, "It is okay, I understand."

I understand kung hindi niya pa alam kung ano ang gagawin niya sa mga oras na ito, dahil kung ilalagay ko rin mismo ang sarili ko sa sapatos niya'y paniguradong hindi ko rin alam ang gagawin ko and I am pretty sure that I'll lose myself too, like what I am seeing on her, right now.

Yeah, she is slowly losing herself, she gained weight kasi e, 'tas 'yong ilalim ng mga mata niya'y punong puno ng itim, na tila ba'y ang ginawa niya lang buong bakasyon ay ang umiyak ng umiyak at kumain ng kumain.

And because of it, I really feel pity for her. Damn that guy who hurt my friend. Damn you Michael!

"Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol sa bagay na iyan?" Kalauna'y tanong ko sakan'ya ng maramdaman kong kampante at malumay na ang paghinga niya, isang palatandaan na medyo okay na siya at hindi na siya umiiyak pa.

Napaalis siya mula sa pagkakahilig sa balikat ko ng wala sa oras dahil sa katanongan ko na iyon, kalauna'y muli siyang napayuko bago sunod-sunod na napailing.

Muli na naman akong napabuntong hininga dahil roon. Pero kahit ganoon pama'y naiintindihan ko siya. I know that it is so hard for her. Ikaw ba naman 'yong iniyotan pero linoko, 'tas ngayon ipapa-abbort pa ang bata, sino ang hindi mahihirapan doon? I know that it is so hard for her, for telling to her parents that she is pregnant.

It is so hard dahil sa kadahilanang alam ko kasi na malaki ang expectations ng mga magulang niya sakan'ya lalo na't sa gitna nilang dalawa ng kakambal niya, siya iyong tipo ng estudyante na napaka hands on sa pag-aaral.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon