Kabanata 64

3K 55 3
                                    


AKALA KO'Y masasagot na ang mga katanongan na kanina pa nagpapagulo sa utak ko ng sagutin niya ang tanong 'ko pero mukhang mas lumala lang ata dahil sa mga isinagot niya. He answered my damn questions using some riddles kasi e.

Like heck! Kung sagutin na lang niya kaya ng deristiyahan 'yong mga tanong ko? Hindi 'yong gagamit pa siya diyan ng mga matatalinghagang salita. Mas pinapalala niya lang 'yong mga katanongan ko e. And for pete's sake, I hate riddles. I super duper hate it kasi para sa akin mas pinapahirapan lang ng riddles na iyan ang buhay natin mga estudyante—rather tao. And I am right, freaking right, dahil heto ako ngayon. Nakatunganga habang prinoproblema ang sagot sa riddles niyang iyon. Putek lang!

Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa mga problemang naiiisip. Heck, umagang umaga pero 'yon nang riddles na iyon prinoproblema ko! Ini-istress ako!

Nang mapagtantong ang pag pro-problema sa mga bagay-bagay ay nakakatanda at nakaka wrinkles ay agaran akong napatayo mula sa pagkakaupo 'ko sa katre ko, ngunit agaran rin akong napaupo ulit ng makaramdam ako ng pagkahilo.

At kasabay ng pagkahilo ko na iyon ay ang pagkaramdam ko sa kung anong bagay sa tiyan 'ko—para nitong hinahalukay ang aking tiyan. And the last thing I know, I found myself vomiting because of it.

Fuck. Oo sumuka! Sumuka ako pero putek laway ko lang ang lumalabas sa bibig. Hindi kagaya no'ng sa iba na 'yong kinain talaga nila. Sumuka ako ng sumuka sa sahig. Oo sa sahig, wala kasing sink o cr sa kuwarto ko na maari kung pagsukahan e. Poor kasi ako. At saka isa pa, 'yong sink at cr namin ay nasa baba, alangan namang tumakbo ako roon para sumuka 'diba? E di nga ako makatsñayo dahil sa pagkakahilo.

Fuck, ano ba ang nangyayari sa akin? Na engkanto ba ko kaya ako nagkakaganito o may brain tumor ako o kung ano? Mama, huwag naman sana! Ayaw ko pang ma deads.

Nang medyo bumuti na ang pagkiramdam ko at ng tumigil na 'ko sa pagsusuka'y napagpasyahan ko ng tumayo mula sa pagkakaupo ko. At sa awa sa diyos, hindi na 'ko nahilo!

Kumuha ako ng basahan upang linisan ang sahig na may sinuka ko. Nang matapos ay tinungo ko ang daan papunta sa sabitan ng tuwalya upang makaligo na.

Si lola na nagsasaing ang una kong naabutan ng makababa na ko. Lumapit ako sa gawi nito bago hinalikan ang pisnge nito. At kagaya no'ng mga nauna'y napagbintangan na naman ako nitong magnanakaw dahil nakalimutan na naman nito ang tungkol sa existince ko pero no'ng magpakilala ako nito na anak ako ni Mercy na siyang apo niya'y agaran ako nitong nakilala. She even hug me tight when she finally recognize me.

Masaya ko tuloy'ng tinungo ang cr upang maligo. Hindi inaalintana ang katotohanang kanina lang ay sumuka ako ng sumuka dahil sa isang hindi malaman na dahilan at nakaramdam rin ako ng pagkahilo.

Nakatuwalya lamang ako ng lumabas ako sa cr. Basang-basa ang buhok ko at ang katawan ko. And somehow, I feel fresh because of it. Ang kaninang feeling na nararamdaman ko habang sumusuka ako'y nawala na parang bula dahil sa freshness na nararamdaman ko.

Fresh na fresh rin ang pakiramdam ni manay niyo down there, wala na ang bakas na hinatid ng manoy ni Dashiel kahapon. Kidding!

Napailing ako sa naisip. Like heck, self nagiging naugthy ka na ah!

Dala-dala ang pinaghubadan kong damit ay tinungo ko ang daan papunta sa kuwarto ko.

Nang makapasok ay agaran ko ng simulan ang pagbibihis ko. Isinuot ko ang uniform ko kahit na'y may malaking tiyansa na madudumihan o hindi kaya'y mababasa ito dahil sa klase ng trabaho ko sa carenderia. But heck, may apron naman do'n kaya bahala na!

Matapos mag bihis ay nag-spray ako sa katawan ko ng kaunting cologne. Nag lagay rin ako ng kaunting lip tint sa labi ko ng makita kong namutla ito.

Nang maamoy ko ang sarili ko'y hindi ko naiwasan ang pagsupil ng isang ngiti sa mga labi ko. Kung noo'y hindi ko gawain ang magpabango—tipong yong downy lang ay sapat na. Ngayon naman ay naging gawain ko na ito, nakakahiya kasi kung ang maamoy ni Dashiel ay ang amoy usok na si ako sa tuwimg aamoyin niya ko e.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon