Kabanata 69

2.6K 57 5
                                    

ISANG mabilis na pagtakbo ang nagawa ko papasok sa cr. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay wala na akong sinayang pa na pagkakataon. Agaran ko nang isinuka ang kanina ko pang gustong isuka.

Ang palaging pagsusuka at pagkahilo ay ang isa sa mga nagbago nitong mga nagdaang araw. Oo palagi akong nagsusuka at nahihilo, hindi ko alam kung bakit. Pero siguro dahil ito sa kakulangan ko ng tulog kaya ganoon.

Pero, kung sa kakulangan ng tulog... dapat ay ang pagkahilo lang ang nararamdaman ko. Pero bakit may pagsusuka? Pagsusuka ng laway to be exact. Laway, dahil wala naman akong masusuka na pagkain e. Since madalang lang akong kumain magmula ng trahedyang iyon.

Kahit na'y sobrang payat ko na ay pansin na pansin pa rin ang medyo paglaki ng balakang ko. Kaya nakakapagtaka na talaga.

May naramdaman akong humaplos sa likod ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon upang alamin kung sino iyon dahil presensiya niya pa lang ay alam na alam ko na. And besides, nitong mga nagdaang araw ay siya lang naman ang kasama ko so what's new?!

"Iha, mag pa check-up kana kaya? Palagi na lang kasi kita nakikitang nagsusuka e," Aling Bebang said while still carressing my back.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa ginagawa niyang paghaplos roon. Kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Pumunta ako doon sa gawi ng may sink upang maghilamos at mag toothbrush.

"Iha you really need a doctor," ulit pa na sabi ni Aling Bebang sa akin. Inilingan ko naman ito habang nakatingin sa pigura naming nasa harap ng salamin.

"P-ero iha—" she was about to said something pero pinutol ko na ito.

"No need po, Aling Bebang. Maayos po ako. Sa kakakulangan ko lang po siguro ito ng tulog," pagpuputol ko sa balak pa sana nitong sasabihin bago ko ito nginitian ng matamis. Like it is my way of assuring her that I am fine.

Labag sa loob na napabuntong hininga ito, "Sigurado ka ba?" tanong nito.

Humarap ako sa gawi nito bago ito tinanguan.

"O siya't sige pero kung hindi mo na kaya'y magsabi ka lang ah?" tanong niya.

Sasagutin ko na sana siya ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng makaramdam ako ng matinding pagkahilo, na siyang naging dahilan kung bakit ako napahawak sa gilid ng sink ng napakahigpit.

"Iha, ayos ka lang?" bakas sa boses nito ang labis na pag-alala ng makita siguro nito ang reaksiyon ng pagmumukha ko. Kung paano bumakas ang pamimilipit sa pagmumukha ko.

Tatango na sana ako ngunit hindi ko na ito nagawa pa dahil tuluyan ng mandilim ang paningin ko. Kasabay ng pandilim ng paningin ko na iyon ay ang pagsigaw ni Aling Bebang. Na wari ba'y huminhingi ito ng tulong sa pamamagitan niyon.

And the last thing I know is pabagsak na ang katawan ko. Pero bago pa man ito tuluyang bumagsak sa sahig ay may mga bisig ng sumalo sa akin. At sa bisig niya nga ako tuluyang bumagsak at hindi sa sahig.

Bebot.. bulong ko ng maaninag ng mga mata ko ang tanong sumalo sa akin.

Salamat...


"DOC, ano pong sakit niya?" Ang mga kataga na iyan ay ang nagpagising sa akin. Pero pinili 'kung ipikit ang mga mata ko dahil sa kadahilanang nasisilaw ng puting liwanag ang mga mata ko.

"Hindi ko alam kong matatawag ba itong sakit, misis," sagot no'ng boses lalaki na sa palagay ko'y siyang kausap ni Aling Bebang.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Being pregnat is a blessing misis kaya hindi ko alam kung matatawag na sakit ito. Pero maybe, sort of. Since the symptoms is really make you sick."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Hindi ko na naalintana pa ang puting ilaw na sumisilaw sa akin. Basta ba't, basta-basta ko na lang itong iminulat. Kasabay rin ng panlalaki ng mga mata ko ay ang pagtambol ng puso ko ng malakas. Na tila ba'y may nag dru-drum sa loob nito.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon