"SIT."
Imbes na sagutin ang tanong koy ang mga kataga na iyon ay ang sinabi niya, napa "Ha?" tuloy ako ng wala sa oras.
"Ang sabi ko'y umupo ka muna, bago ko sasagutin ang tanong mo. Masama pa naman sa buntis ang mahabang tayuan," sagot niya sa tanong ko sabay turo sa upuan na nasa harapan niya.
Napa ahh ako bago napatango. 'Yon lang naman pala, akala ko kung ano na.
Tinungo ko ang gawi no'ng upuan na itinuro niya. At ng marating ang gawi nito'y wala na 'kong inaksaya pa, umupo agad ako rito.
"So.. ano na?" I asked while tapping the thick and hard wood desk using my fingers. May kung anong namuong tunog dahil sa ginagawa kong pag tap sa mesa.
Ngumiwi siya na tila ba'y naririndi siya sa kung ano mang bagay, "Ahmm.. would you stop that?" kapagkuwan, ay tanong niya.
Namuo ang gitla sa noo ko dulot ng pagkunot nito, "Ha? Ang alin?"
"'Yong pag-ano sa mesa," sagot nito sa tanong ko. Sinabayan pa niya ito ng action. Obviously na ginagaya ang ginagawa kong pag tap sa mesa.
Napatigil ako sa ginagawa ko ng mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya at para maiwasan na huwag gawin ang bagay na iyon ay pinagsiklop ko ang mga palad ko.
"Sorry," hingi ko ng patawad sakanya na siyang tinanguan lang niya.
"So for your first question, nalaman ko na ang mama mo ang pumatay sa mama ko dahil sa paghihiyasat ko," sagot niya sa tanong ko at imbes na maliwanagan ay mas lalo pa akong naguluhan.
Napa, "Ha?" ulit tuloy ako.
Bumuntong hininga siya bago ngumiti ng tipid,
"Diba't kanina'y sinabihan na kita na no'ng bata pa ako ay wala akong kamuwang-muwang sa mga pinag-aawayan nila mom and dad?" he asked. Napatango naman ako.E, ano'ng connect no'n?
Gusto ko sanang isatinig ang mga kataga na iyon pero hindi ko na lang ito tinuloy pa. Nanahimik na lamang ako baka kasi mabigwasan niya pa ako e. Katakot pa naman siya pag na iinis na siya.
"Nang lumaki na ako ay unti-unti kong napagtanto ang lahat. Ang lahat lahat. Kabilang na sa lahat na iyon ay ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ni mom noon. Dahilan, para maghiyasat ako. At sa paghihiyasat ko'y doon ko nalaman ang mga impormasyon na pilit na ikinukubli ni dad sa amin," muli siyang bumuntong hininga.
"Noong una'y tumanggi pa siya ng tanongin ko siya kung si Mercy Erana ba ang pumatay kay mama, na siyang kabit niya. Pero ng ihampas ko sa pagmumukha niya ang mga papeles na nagpapatunay na yong kabit niya ang pumatay kay mama ay natahimik siya at napatango na lang—" naputol ang pagsasalita niya ng hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag sumabat.
"—Wait, what?! Hindi pinaaalam ng dad niyo na ang kabit kuno niya ang pumatay sa mom mo?" gulat kong tanong na siyang tinanguan niya lamang niya.
So that's it! Kaya naman pala. Kaya naman pala kung makapagsalita siya kanina ay sobrang gulo, dahil pati rin siya'y naguguluhan.
Lumaki siya sa puder ng mama at papa niya na palaging nag-aaway. Tapos, yong huling away ng mga ito is yong tungkol sa akin, dahil kinabukasan ay 'yong mama niya ay pinatay kuno ng mama ko. Tapos, ang tangi lang sinabi ng dad niya sakanya'y pinatay lang ang mama niya. Wala itong sinabi kung sino ang pumatay at kung paano ito pinatay. At dahil mosmos pa lamang ay wala pa itong mang-mang sa mundo. At no'ng nagkaisip na siya ay 'tsaka pa lamang niya na realize ang mga pinag-aawayan ng mom at dad niya noon. Dahilan, para manghiyasat siya. At sa paghihiyasat niya'y doon niya nalaman na ang pumatay sa mama niya ay ang kabit ng papa niya at dahil roon, nagalit siya sa papa niya. At mas lalo pa siyang nagalt rito ng itanggi nito ang katotohanang itinanong niya.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...