"SORRY na, nasabi ko lang naman kasi iyon dahil kalalaki mong tao pero para kang babae kung umiyak e," ang nakanguso kong panghihingi ng paumanhin sakan'ya habang sinusundan ang bawat paghakbang na pinapakawalan niya.
Humihingi ako ng tawad sakan'ya dahil narealize ko kasi na mali pala ang nagawa kong pang-aasar na bakla sakan'ya dahil lang sa umiyak siya. Well infact he just want to ease the burden that his feeling by sharing it to me and by crying.
"So 'pag umiiyak ang lalaki ay bakla na, ganoon?" he tss.
Mas lalo pang humaba ang nguso ko dahil doon, kasabay niyon ay ang mas pagka guilty ko. "Hindi," nakanguso kong sagot sakan'ya.
"'Yon naman pala e," ani niya bago binilisan ang pagkakalakad niya. Napahakbang rin tuloy ako ng mabilis.
"Sorry na," ulit ko pang hingi ng patawad sakan'ya habang hinahabol siya.
He just tss na mas naging dahilan pa kung bakit mas napahaba pa ang nguso ko, ang hirap naman kasing suyuin ng lalaking ito e, dinaig pa ang babae. At saka isa pa, dinaig pa namin ang magjowa kung magsuyuan kami ah, infairness.
"Hoy, sorry na," ulit ko pa and for the third time he just tssed.
"Ano ba kasi ang dapat kong gawin para mapatawad mo 'ko?" tanong ko sakan'ya ng mapagtanto ko na mukhang hindi madadaan ang lalaki na ito sa isang simpleng sorry lang.
At tama nga ako sa hinuha ko na iyon dahil napatigil ito sa ginagawa nitong paglalakad bago nakangusong nilingon ang gawi ko, "Kiss me," he said while pouting.
Napairap naman ako dahil doon, sinasabi ko na nga ba, sinasabi ko na nga ba't ang lalaki na ito ay may plano talaga, kaya naman pala kung makaasta ay parang babae.
Napairap ako, "Ayaw ko."
"Okay. Madali lang naman akong kausap e," sabi nito bago muling tinalikuran ang gawi ko.
Napairap naman ako bago labag sa loob na napasabing, "Sige na nga," labag sa loob na ani ko rito na siyang naging dahilan kung bakit napalingon ng nakangiti ang kurimaw sa gawi ko.
"Pero sa cheecks lang ah?" I asked and he nodded.
Dali dali naman akong tumingkayad para mahalikan ko ang pisnge niya.
Hahalikan ko na sana ang pisnge niya ngunit hindi na ito natuloy pa. Hindi na ito natuloy pa dahil imbes na sa pisnge niya dumapo ang mga labi ko ay sa labi niya ito dumapo. Bigla kasi siyang lumingon sa gawi ko ng hahalikan ko na sana ang pisnge niya e, kaya ang ending, sa labi niya dumapo ang labi ko.
"Sarap," ang nakangiti nitong ani sabay kindat sa akin pagkakalas na pagkakalas pa lang ng mga labi namin.
Napatulala naman ako bago wala sa sariling napahawak sa labi ko.
Did he just stole my fourth kiss? Ang wala sa sariling bulong ko habang nakahawak pa rin sa labi ko. At ng marealize ko ang tungkol sa bagay na iyon ay gano'n gano'n na lang ang naging panlalaki ng mga mata ko bago ko hinabol ang gawi ng punyemas na iyon.
Binabawi ko na, punyemas nga talaga ang lalaki na iyon at hindi na dapat pang tinatawag na Dash as in Dashboard.
"Arghh!" ang naiinis kong ani bago ko hinabol ang lalaki na iyon.
Natatawa rin naman itong tumakbo papalayo sa gawi ko na siyang naging dahilan kung bakit mas lalo pa akong nainis.
Nasa kalagitnaan kami ng aming paghahabulan ng makaramdam ako ng pagpatak na siyang naging dahilan kung bakit ako napatigil mula sa ginagawa kong pagtakbo.
Tumingala ako upang tignan kung saan galing ang mga pagpatak na iyon, at ng mapagtanto ko kung saan iyon galing ay doon ko lang na-realize na patak pala ito ng ulan at nanggagaling ito sa langit.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...