Kabanata 85

3.3K 68 2
                                    


NAKAGAWIAN ko na ang mag jogging tuwing umaga. Kaya nama'y kinabukasay hindi pa man sumisikat ang araw ay naka bihis na ako ng outfit pang jogging. Ready'ng ready na 'ko sa paggayak.

At ng sumapit ang takdang oras na siyang ako lang naman ang nagtakda ay gumayak na 'ko. Nilisan ko na ang bahay upang masimulan na ang morning routine ko which is yong pag jo-jogging.

Sa halos araw-araw ko ng pag jo-jogging dito'y nakabisado ko na ang mga daan sa baranggay na ito. Nakabisado ko na kung saan papunta ang bawat eksenita at paliko-liko na mga daan rito hindi kagaya noong unang beses ko pa'y halos mangapa ako. Wala kasi akong kaalam-alam sa kung saan papunta ang mga daan dito e, muntikan pa nga akong maligaw no'n e. Mabuti na lamang at natagpuan ako ni Storm kasi kung hindi'y baka naligaw na talaga ako.

Sinundan kasi ako ni Storm no'n dahil sa kadahilanang nag-alala daw siya sa akin dahil ang tagal ko daw'ng bumalik. Which is ipinagsalamat ko naman, kasi kung hindi siya dumating, paniguradong hindi ko na alam kung saan ako tutungo.

At magmula ng araw na iyon, sa tuwing nag jo-jogging ako ay sinasamahan na ako ni Storm. At habang nag jo-jogging kami ay isinasabay niya sa akin ang pagtuturo kung saan tutungo ang mga bawat daan na naririto. Kaya nama'y di naglaon ay nasaulo ko na ang mga direksiyon rito at iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako naliligaw pa.

Sa gitna ng bayan ay may tinatawag silang plaza. Sa gilid ng plaza ay ang malawak nilang basket ball court na kung saa'y maari kang maka pag jogging.

Malawak at malapad kasi ito e kaya maari kang makapag jog do'n. Sa katunayan nga'y marami rin ang nag jo-jog do'n tuwing umaga na ang layunin ay kagaya ko, ang ayusin ang sarili at buhay para sa kinabukasan.

Malawak ang basket ball court nila, dahilan para hingalin ka na sa limang ikot mo. Oo, kahit nay ikalimang ikot mo pa lang ay hihingalin ka na talaga at ngayon nga'y doon ako tutungo. Doon ang direksiyon ko.

Wearing the usual outfit for jogging, I jog towards the plaza. Minuto lamang ang lumipas simula ng mag jog ako at tuluyan ko ng narating ang plaza.

Ang napakatahimik na atmosphere ng plaza ang siyang unang bumungad sa akin pagkarating na pagkarating ko pa lang doon. Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito dahil wala naman akong pakialam do'n. Ang tangi ko lang kasing pakialam ay ang basketball court na siyang pagdadausan ko sa jogging.

May iiilang kabataan akong naabutan na nag jo-jogging rin kagaya ko ng makapasok na ako sa loob ng basketball court. Namumukhaan ko ang mga ito dahil ang mga mukha lang naman nila ang palagi kong nakikita sa tuwing nag jo-jogg ako rito.

Kagaya ng nakagawiay, inilagay ko muna ang tumbler na dala-dala ko sa bench. Tumbler na may lamang protein shake, which is I usually drink. Kapagkuwan, ay isinalampak ko sa tenga ko ang airpods ko bago ko sinimulan ang pag jo-jogging ko.

Nakailang laps rin muna ako bago ko napagpasyahang tumigil. Tumigil ako dahil sa kadahilanang bigla na lamang ako nakaramdam ng uhaw.

Tinungo ko ang gawi no'ng bench na pinaglagyan ko sa tumbler. Nang makalapit ay kinuha ko muna ang tumbler bago umupo roon.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iinom ko ng may makarinig ako ng tuksuan. Tuksuan na tila ba'y may tinutukso ang may ari no'ng boses na iyon. Paglingon ko sa kung saan galing ang tuksuan na iyon ay doon ko nakita ang mga kabataan. Na nakangiting tinuturo ang gawi ko habang tinutukso ang lalaking kasama nila na sa palagay ko'y kaibigan rin nila.

But what's make my eyebrows rose is that 'yong mukha no'ng guy na tinutukso nila ay pulang-pula na tila ba'y nagkakamatis ito. At ng makita niya akong nakatingin sa gawi niya'y napayuko agad siya na tila bay nahihiya siya sa pinaggagawa ng mga kaibigan niya. Siniko niya pa nga ang isa sa mga kaibigan niya e na tila bay paraan niya iyon upang maipahiwatig sa mga kasama niya na tumigil na ang mga ito sa kakatukso.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon