Kabanata 2

16.8K 229 9
                                    


Hi baka want niyo po, magbasa ng Vampire/Mystery/Thriller/Romance na genre, may story po kasi ako na gano'n, which is 'yong Vale Amor 'ko. Baka wan't niyo lang po. Thank you.


KABANATA 2

HIKAIN ako, ngunit ang hika ko na iyon ay hindi naging hadlang sa akin kung bakit ako nagpu-pursige sa pagtratrabaho ko. Sa katanuyan nga'y dalawa ang trabaho na meron ako, isa sa umaga at isa naman sa gabi pagkatapos ng klase ko.

Kung sa iba'y pagkagising na pagkagising palang nila'y ang paghahanda na agad para sa eskwela ang inaatupag nila'y ako naman ay ang paghahanda para sa trabaho ang inaatupag ko. Kung sa gabi'y ang pagpapahinga at ang paggagawa lang ng mga assignments sa eskwela ang inaatupag ng iba, ako nama'y ang pagtratrabaho sa isang fast food chain ang inaatupag ko.

Yeah, alam ko, alam ko na maaari akong magkasakit dahil sa ginagawa ko, alam ko na pam-patay na sa katawan ko itong ginagawa ko lalo na't may hika ako. But I don't have any choice dahil paano ko masusustentuhan ang bawat kakailanganin ko sa pang araw-araw namin kung hindi ako magtratrabaho?

Paano ako makakapag-aral kung hindi ako magsusumikap? Paano kami makakakain at mabubuhay sa mundong ito kung hindi ako kakayod sa trabaho? Ako lang ang nag-iisang bumubuhay sa lola ko at sa sarili ko, kung kaya't doble kayod talaga ang ginagawa ko lalo na't may mga gamot na maintenance ng iniinom ang lola ko. Doble kayod, to the point na nakakalimutan ko ng alagaan ang sarili 'ko.

The life is so cruel to me. Ang mga katagang iyan ay ang tanging madedepina ko sa buhay na meron ako. The life or the destiny rather is so cruel to me, to the point na sa murang edad na meron ako'y ang pagtratrabaho agad ang inaatupag ko. Which made me think what is the feeling of being a normal student.

Which made me think kung ano kaya ang pakiramdam ng isang normal na estudyante? 'Yong tipong gigising ka lang sa umaga para maghanda sa klase at wala ng ibang aatupagin pa, 'yong tipong ang pag-aaral mo lang ang aatupagin mo sa skwelahan at hindi ang tabaho na naghihintay sa iyo. 'Yong tipong ang assignments mo lang ang aatupagin mo sa gabi at hindi ang trabaho mo.

All of those? I wan't to feel it. I wan't to feel how it feels to be a normal student. Gusto ko ring maranasan ang mga bagay na nararanasan ng mga normal na estudyante... gusto ko ring maranasan ang mga bagay na nararanasan nila..

Wala sa sariling nakapa ko ang pisnge ko ng may maramdaman akong basa dito. At nang makapa ko ito'y doon ko palang napagtanto na umiiyak na pala ako. Na luha pala iyong nakapa ko. Damn. 'Ni hindi ko man lang namalayan ang sarili ko na umiiyak na pala ako dahil sa lalim ng iniisip ko.

Dali dali akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ko ng mapagtanto ko kung anong oras na pagkatapos ay wala sa sariling ako'y napatampal sa noo ko ng mapagtanto kong ma la-late na ako. Damn! Ke aga-aga pa kasi pero kung ano-ano na ang pinag-iisip ko, 'yon tuloy di 'ko tuloy namalayan ang oras.

Dali dali akong bumaba sa baba upang makakain na, at hindi ko inaakalang mapapangiti ako sa tanawin na makikita ko. Ang tanawin na kung saa'y hinding hindi ako magsasawa sa kakatitig, ang tanawin na kung saa'y nasa kusina ang lola ko, nakatalikod ito sa gawi ko habang busing busy sa ginagawa nitong pagluluto.

Sa totoo lang, mas malapit pa ako sa lola ko kesa sa mama ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil iyon sa kadahilanang siya ang nasa tabi ko ng nagdalaga ako, siya ang nakamulatan kong nasa tabi ko habang lumalaki ako.

"Ang bango naman po niyan lola," ang papuri ko sakanya ng maamoy ko ang aroma ng niluluto niya.

Lumapit ako sa gawi nito atsaka ko siya niyakap mula sa likod, napalingon siya sa gawi ko at ng magtagpo ang aming mga mata ay doon ko nakita ang kalituhan doon, "Sino ka?"

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon