The new version of Psychopath 1 is more painful sa old version. And if you want to read it, visit my dreame account!
NAGDADALAWANG isip man na tanggapin ang perang inilahad niya'y tinanggap ko pa rin ito dahil sa kadahilanang hinding-hindi ako nito titigilan hanggang sa hindi ko ito kukunin. At saka isa pa, grasya rin 'yon no, bawal tanggihan.
Pero ang ipinagtataka ko lang talaga bakit hindi niya sinabi sa akin na regalo lang niya pala iyong ibinigay niya sa akin no'ng twenty four?
Inakala ko tuloy na suweldo ko iyon-hindi 'ko rin tuloy nagawang tumanngi ng ibigay niya sa akin iyon, all I thought kasi suweldo ko 'yon, suweldo na ibinigay niya pag twenty four kahit na'y hindi pa naman katapusan ng buwan, advance suweldo kumbaga ang nasa isip ko sa mga oras na iyon, advance nang sa gayon ay may maipambili akong pang handa namin no'ng pasko. Pero 'yon pala, regalo niya lang daw pala iyon sa akin.
Regalo para sa pasko, regalo na ang laki-laking halaga, nakakapagtaka tuloy kung bakit niya ako binigyan ng ganoon kalaking halaga ng pera kung regalo lang pala niya iyon. For pete's sake, sahod ko na 'yon para sa loob ng dalawang buwan, 'tas sasabihin niya lang na regalo niya lamang iyon sa akin? Ang laking halaga ata naman no'n.
Kung ganoon rin pala'y, edi sana'y palagi na lang ang pasko. Para tiba-tiba ang bulsa ko. Charot lang.
Nandito na ako sa sakayan ng jeep, naghihintay ng masasakyan para maghahatid sa akin papuntang department store. Department store na siyang destinasyon ko.
And as usual mahabang pila na naman ang naabutan ko. Isang palatandaan na hindi lang pala sa amin ang magbabagong taon dahil mukhang ang lahat rin ng trabahante sa lugar na ito'y uuwi rin kagaya no'ng sa amin.
Actually, wala talaga akong balak na tanggapin ang pera na inilahad sa akin ni Kuya Noel kanina, todo tanggi pa nga ang ginawa ko no'ng una e. Pero ng sabihin nito sa akin na isipin ko na lang raw na tulong pinansiyal niya ito para sa amin ng lola ko, tulong pinansiyal na nagmula sa isa sa pinakamalapit naming kamag-anak ay wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ito. Lalo na ng mapag-isip isip ko na grasya ito at bawala tanggihan, at saka isa pa malaking tulong rin ito para sa amin ng lola ko. Malaking tulong ito sapagkat, gamit ang pera na ito'y maibibili ko na nga gamot si lola para sa maintenance niya at para na rin sa pang groceries namin
Pero bago ko tinanggap ang pera ay sinabihan ko pa muna si Kuya Noel, na pagtratrabahuan ko 'yong pera na ibinigay niya sa akin no'ng twenty four -'yong pera na inakala ko'y sahod ko.
Kaya ayon naalarma si Kuya, kesyo daw paano na lang ang pag-aaral ko kung tatlong trabaho na ang pagsasabayin ko? Ang usapan kasi namin ni Kuya Noel, ay hanggang sa katapusan lang ng sembreak namin ako magtratrabaho sakan'ya, kaya ayon naalarma si Kuya ng sabihin ko sakanya na magtratrabaho pa rin ako sakan'ya kahit nay may klase na 'ko para lang mabayaran ko 'yong ibinigay niya sa akin noong twenty four.
Ayaw ko kasi na nagkakatanaw ako ng utang na loob sa isang tao e, puwera na lang do'n kay Aling Bebang, wala akong choice e. Wala akong choice kasi sino na lang ang magbabantay kay lola kung hindi ako tatanaw ng utang na loob sakan'ya diba?
Isang ngiti lamang ang isinagot ko sa pagkaalarma nito, sabay sabing ayos lang, kaya ko pa namang magtrabaho ng tatlong beses sa isang araw sabay pasok sa eskwela kahit nay sa totoo lang ay hindi naman talaga.
Labag man sa loob nito'y napapayag ko ito at matapos ang tagpo na iyon ay agaran na akong nagpaalam rito na aalis na dahil may pupuntahan ako.
Nang marinig iyon ni Kuya Silva ay inalok ako nito na ihahatid niya daw ako, dahil paniguradong sa araw na ito ay peak season, means that, maraming tao na nagsisiuwian na siyang nagiging dahilan kung bakit nagkakaagawan ng masasakyan at traffic, at tama nga siya sa sinabi niyang iyon dahil heto ako nakasakay na sa jeep pero nakasimangot.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...