Kabanata 45

4.1K 76 11
                                    

I seductively winked myself infront of the mirror as I put my lipstick on.

Bahagaya kong kinagat ang aking pang-ibabang labi gamit ang aking pang-itaas na labi nang sa gayon ay kumalat ang pula roon.

At ng makuntento na ako sa pula na nakikita ko roon ay sinunod ko na namang ayusin ang nakalugay kong buhok. Itinali ko lamang ito into a ponytail one. Wala kasi akong ibang alam na style sa kung paano taliin ang buhok ko e, kung hindi ito lang.

Mabuti sana kung nandidito si Candice dahil Paniguradong tutulungan ako nito kaso wala siya e. Andon kasi siya sa bahay ng magaling niyang ex. Kakausapin niya raw ito para panagutan siya nito na siyang ikinairap ko naman.

'Cause literally? She will bring her pride down para lamang sa lalaki na iyon? Ghad, nakakababa kaya iyon.

Nang makuntento na ako sa ayos ng buhok ko'y tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa salamin. Kalauna'y pinasadahan ko ng tingin ang aking buong katawan—mula ulo hanggang paa. At hindi ko naiwasan ang sarili ko na huwag mapangiwi ng makita ko kung gaano ka sexy at daring itong suot-suot ko.

Ghad, I'd never thought na dadating ang araw na mararanasan kong magsuot ng ganitong bagay para lamang sa isang lalaki... para lamang sa pag seduce sa isang lalaki.

Nakasuot ako ngayon ng isang short at crop top na siyang naging dahilan kung bakit ko talaga naiiwasan ang sarili ko na huwag mapangiwi at huwag mailang.

Actually ang damit na ito ay kay Candice. Siya rin ang nagpilit sa akin na suotin ito. Noong una nga'y umangal ako ng makita ko ito pero ng sabihin niya sa akin ang mga katagang,

"Paano mo siya ma se-seduce kung makakapag manang ka? Remember, bar 'yon Marra, hindi simbahan."

Nang mapagtanto kong tama siya sa mga sinabi niya'y napatango na lamang ako. 'Cause heck, paano nga ba ako makaka-seduce kung pang manang ang suot ko? Paano ko ba siya ma se-seduce kung manang ang mga suot ko.  E, ang rami ngang mga babae diyan na sini-seduce siya, may mayayaman, sexy at mga magaganda pa ito. E, samantalang ako? Isa lamang basura na may pakay, kaya paano ko siya mase-seduce kung pang manang ang suot ko?

At saka isa pa, Candice is right, bar 'yon at hindi simbahan kaya paniguradong pagtitinginan lamang ako doon  kung pang manang ang susuotin ko at ang mas worst pa roon ay baka pagtatawanan rin lang ako ng mga ito.

Ang sabi ng source ni Candice, sa tuwing weekends ay palaging pumupunta si Dashiel sa isa sa mga sikat ritong bar sa manila para mag unwind at ang lugar ngang iyon ay ang destinasyon ko.

Nakasakay na ako sa isang taxi papunta roon. Hawak hawak ko sa kamay ko ang maliit na pouch na dala dala ko. Nagka krus rin ang mga braso ko sa harapan ng dibdib ko ng hindi ko na kinaya pa ang ilang na nararamdaman ko.

Ilang na dulot ng hindi ako sanay magdamit ng ganito at ilang tungkol sa paraan ng pagtitig nitong driver ng taxi na sinasakyan ko.

Nakakailang ang mga titig na pinapakawalan nito sa akin, mula rito sa likod ng kotse ay kitang kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano siya pasimpleng tumitingin sa salamin na nasa harapan para lamang titigan ako.

At dahil roon ay hindi ko talaga naiiwasan ang sarili ko na huwag mailang. Kung sana lang ay alam ko na ganitong klase pala ang driver nitong taxi na masasakyan ko edi sana'y mas pinili ko na lang ang jeep kesa rito.

Kanina kasi, mas minabuti ko na lamang na sumakay sa isang taxi kesa sa isang jeep dahil sa kadahilanang baka pagtitinginan lang ako ng mga tao roon dahil sa suot ko at baka masira pa ang pustura ko kung baka sakali mang ma traffic ako.

At hindi ko inaakalang isa iyon sa mga bagay na pagsisihan ko. 'Cause while feeling the ilang right now na nararamdaman ko para sa klase ng mga titig ng driver sa akin ay hindi ko naiiwasan ang huwag matakot at gustuhin na lamang ang tumalon ng walang pasabi mula sa sinasakyan.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon