NANG makarating ay agaran akong dumeritso sa loob ng bahay at para akong binuhusan ng isang balde na may lamang malamig na tubig ng makita ko ang lola ko na.. nanonood ng bold sa tv! Oo bold. Nanonood siya ng bold habang panay ang sambit sa mga katagang, susmaryusep!
Hindi naman talaga siya literal na bold, it was just a bed scene in a telenovela. At 'pag telenovela, alam niyo naman siguro ang bed scene nila diba? Tanging hubad lang ng damit habang naghahalikan tas 'yon na fast forward na.
"Ang bastos naman ng pelikulang 'to," pagrereklamo ni lola na siyang nagpa-iling sa akin, e kasi naman alam na nga niyang bastos 'yong eksena pinapanood niya pa rin, kung ilipat niya na lang kaya sa ibang channel o hindi'y patayin na lamang ang tv? Tangeks lang.
Natatawa akong lumapit sa gawi niya. Nakatalikod siya mula sa gawi ko kaya hindi niya nararamdaman ang presensiya ko. Nang makita kong ilang dipa na lamang ang layo namin mula sa isa't-isa ay 'saka pa lamang ako yumukod, kapagkuwan ay agaran kong hinalikan ang pisnge niya.
At imbes na isang halik rin ang matanggap ko mula sakanya'y isang pagtama ng remote sa ulo ko ang natanggap ko. Hawak-hawak niya kasi ito e kaya di ko napansin.
"Sino kang nilalang ka?!" Turan niya matapos hampasin ng remote ang ulo ko. Kapagkuwan ay tumayo ito at hinarap ang gawi ko.
"Magnanakaw ka 'no?!" bintang nito habang nakaduro sa gawi ko ang remote na hawak hawak nito.
Nasasaktang napakamot ako sa parte ng ulo ko na hinampas niya bago napatayo ng matuwid.
"Lola naman, grabe naman po kayong makapagbintang sa akin, hindi niyo po ba ako nakikilala?" Oo, alam kong kabobohan ang tanong ko na iyon. Kabobohan dahil alam ko na nga ang sagot, tinatanong ko pa rin.
"Oo. Kaya sino ka ba?!" As expected, hindi na naman ako nito nakilala. And as expected, my heart ache because of it.
Napalunok ako, "A-ko po 'to lola.. 'Yong apo niyo sa anak niyong si Mercy," pilit ang ngiting ani 'ko. "Marra po ang pangalan ko."
Naningkit ang mga mata nito dahil sa narinig, kapagkuwan ay ngumiti ito ng matamis, "Apo ko!" masayang ani nito bago tinawid ang pagitan namin.
Gulat ang rumehistro sa mukha ko ng yakapin ako nito. Pero ng makabawi ako mula sa pafkagulat ay yinakap ko rin ito pabalik.
I hug her tight, tighter on how she hug me.
Sana ganito ka na lang lagi lola... Ang 'di napigilang bulong—hiling ko sa hangin bago mas hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sakanya.
"HOW'S YOUR DAY?"
Gulat ang rumehistro sa mukha ko ng pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa caffe na pinagtratrabahuan ko'y siya na agad ang bumungad sa akin.
Nakahilig siya sa so called ducati motor niya. Suot-suot niya ang isang leather jacket na naging dahilan kung bakit siya nagmumukhang modelo. Modelong nakahilig sa isang motor.
Ewan ko ba kung bakit hindi nag model ang isang 'to, e paniguradong papasa naman 'to. Sa tindig at mukha pa nga lang, paniguradong pasok na. Tapos isama mo pa ang mala body builder na katawang swak na swak ipares sa kape.
"I-t's okay." It's true. Ayos lang naman talaga ang araw ko. Well, sino ba naman ang hindi magiging maayos ang araw kung wala kang pasok sa trabaho at eskwela dahil hindi ka pumasok? At saka isama mo na rin ang kadahilanang yinakap ka ng isang tao napakaimportante sa buhay mo.
Kanina, hindi ko na nagawang pumasok pa sa trabaho ko sa carenderia at sa eskwela dahil sa kadahilanang late na ko. At parang may parte sa akin na ayaw ewan ang lola ko dahil gusto kong sulitin ang mga oras na nanlalambing siya sa akin. Ngunit ng sumapit ang dapit hapon ay napagpasyahan kong pumasok na sa trabaho ko sa car wash. Pumasok ako dahil sa kadahilanang, hindi maaring pati sa trabaho ko sa hapon ay wala ako dahil may kailangan pa kasi akong mga bayarin na dapat bayaran. At saka isa pa, saan ako kukuha ng pangkain namin, if ever?
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...