HILAW akong napangiti bago agarang napayuko. Kasabay ng pagyuko ko na iyon ay ang padamdam ko kung paano umakyat ang hiya mula sa paa ko hanggang sa ulo ko.
Paniguradong sa pagkakataon na ito'y pulang pula na ang buong mukha ko dahil ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula rito. Pula na dulot ng hiya at hindi sa kilig.
Damn, hindi ko inaakalang mapapahiya ako ng ganito. Ayos lang sana kung mapapahiya ako kapag siya lang 'yong kasama ko but infront of everyone? Really?
Wait—ano ba ang pinuputak ng butse ko, e mukhang hindi naman ata nila napansin ang pagkapahiya 'ko. Hindi kasi ako nakarinig ng bulung-bulungan tungkol sa pagkakapahiya ko e, ang tanging narinig ko lang ay 'yong mga bulung-bulungan nila tungkol sa guwapong lalaki kuno na ito.
At saka isa pa, in the first place, ba't ko nga ba nginitian ang lalaking ito? E, obvious na obvious naman na hindi nito susuklian ang ngiti ko na iyon dahil sa kadahilanang galit ito sa akin? Galit ito, dahil sa ginawa ko rito?
Napabuntong hininga ako sa naisip ko.
Siguro, kaya ko siya nagawang ngitian dahil sa kadahilanang nadala lang ako. Nadala lang ako sa emosyon ko dulot ng ilang araw ko na siyang hindi nakita simula ng magtagpo ang aming mga lanadas sa mall na iyon. At dahil doon ay nakaramdam ako ng pagka miss sakan'ya at nang makita ko siya'y hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag mapangiti dulot ng parang may kung anong puwang sa puso ko ang napunan.
Muli akong napabuntong hininga dahil sa naisip. Haysst, kasalanan ko naman ito e, kaya dapat ko 'tong tanggapin.
"May adobo po kayo?" Mula sa pagkakayuko ko ay naiangat ko ang ulo ko dahil sa tanong na iyon at ng maiangat ko ito'y doon ko nakita ang nakangiti pa rin niyang pagmumukha habang nakatingin sa gawi ni Madam. Na tila ba'y hindi man lang niya ako napapansin—or I should say, wala lamang ang presensiya ko para sakan'ya.
"Oo, iho," sagot ni Madam sa tanong nito. Mahihimigan sa tuno ng pananalita nito ang pa simpleng panlalandi na siyang naging dahilan kung bakit ako pasimpleng napairap.
'Di ko kasi inaakalang may pagka landi rin pala itong si Madam e, kahit na'y may asawa na ito.
"Isa nga—" Hindi na naipagpatuloy ni punyemas ang balak niya pa sanang sasabihin ng magsalita ako.
"Madam, mauuna na po ako ah?" tanong ko kay Madam sabay lingon sa gawi nito.
In my peripheral vision ay nakita ko mismo kung paano natigilan ang lalaki sa balak niya pa sanang sasabihin. Kalauna'y dahan dahan itong napalingon sa gawi ko. At kasabay ng paglingon niya na iyon ay ang pagkawala ng ngiti na nakaukit sa mga labi nito.
Isang nakakailang na tingin ang ipinukol nito sa akin.
"Ha? O siya't sige," Madam said. Mahihigan sa tuno ng pananalita nito ang pagkalito, which made me fucking think na siguro'y nalilito ito sapagkat nagpaalam na ako sakan'ya kanina pero heto't nagpapaalam pa rin ako.
Napatango naman ako sa tinuran ni Madam bago dali-daling tumalikod at saka nagsimulang maglakad palayo sa gawi nila. Wala na akong inaksayang oras pa, agad ko ng sinimulan ang paglalakad ko palayo sa gawi nila dahil sa kadahilanang hindi ko na kaya pa ang ilang na nararamdaman ko dulot ng klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin.
Like heck, ano bang meron sa lalaking ito at bakit parang naiilang ako sa klase ng tingin na ipinupukol nito?
Malalaki ang mga paghakbang na pinapakawalan ko dulot ng pagkailang ko kung kaya nama'y segundo lamang ang lumipas at nakalabas na agad ako.
Isang napakalalim na pagbuntong hininga ang kumuwala mula sa baga ko ng makalabas na ako. A sign that tsaka pa lamang ako nakahinga ng maluwag.
Like heck, I'd never thought na maiilang ako ng ganoon ka tindi dahil lamang sa isang tingin. Napakatindi naman kasi ng tingin niyang iyon e, 'tipong mawawalan ka ng lakas at ma co-conscious ka sa lahat ng bagay, pati sa paglakad mo.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
Roman d'amourC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...